"Diyos ko," ang sambit ng kanyang nanay nang marinig ang pangalan na kanyang binanggit habang ang kanyang tatay ay napaiwas na lamang ng tingin sa kanya at natuon iyun sa malalapad na bintana ng kusina kung saan tanaw ang mga kabukiran na napapalibutan ng mga nagtataasan na bundok.
"Napakabata pa ni Blaze para ipakasal kay Domingo," ang giit ng kanyang nanay at napansin ni Maximo na napahigpit ang hawak nito sa kutsilyo at sa hinihiwa na laman ng baboy.
"Opo nanay pero alam po natin ang grupo na kinabibilangan,"-
"Branco di Lupi," ang mariin na pagbanggit ng kanyang tatay at nagtama na muli ang mga mata nila ng kanyang tatay at tumango siya.
"Naaawa ako sa kanya," ang mahinang sambit ng kanyang nanay at inilapag nito ang kutsilyo sa lamesa at saka nito pinunasan ang kamay ng towel na nasa tabi ng sangkalan. At saka nito pinatong ang mga siko sa ibabaw ng lamesa at pinisil ng mga palad nito ang dalawa nitong mga mata. Halata ang labis na pagkabigo sa kanyang nanay lalo na ang nakasalampak nitong mga balikat.
"Maganda ang layunin ng grupo kaya lang may mga bagay na,"-
"Hindi makatarungan at nakakasakit ng damdamin," ang putol na sagot ng kanyang nanay sa sinabi ng kanyang tatay.
"We don't have any control about it," ang sagot ng kanyang tatay na muling gumamit ng salitang ingles.
"Pero kung,"-
"I know," ang pabulong na sagot ng kanyang nanay sa kanyang tatay at ilang sandali na namayani ang katahimikan sa kanilang tatlo. Walang gumawa ng anuman na kilos at tila ba sinusukat nila ang mga susunod na sasabihin para hindi na maungkat pa ang nakaraan. At siya ang naunang bumali ng pagkapako ng oras sa pagitan nilang tatlo. Iniangat niya sa kanyang labi ang mug na naglalaman ng kape na binigay sa kanya ng kanyang tatay.
"Nasagot na ang unang tanong, ngayon para sa pangalawa, ano mo siya? O ano ka niya?" ang tanong ng kanyang tatay pagkalapag ng kanyang mug sa ibabaw ng lamesa.
"Bodyguard," ang matipid niyang sagot at mabilis na tumango ang kanyang tatay.
"Alam ko sinabi mo na kanina, now bakit?" tumigil ito at napabuntong-hininga bago humabol ito ng pagsasalita.
"Maximo anak, hindi sa kinukwestiyun namin ang mga desisyon mo, we believe in you, you are very smart and dedicated to your job, pero, alam naman natin ang pakikitungo natin kay Domingo ....lalo ka na," ang sabi sa kanyang ng kanyang tatay at humina pa ang pagsasalita nito nang idugtong nito ang mga huling kataga.
"Inalok ako ni Signore Dominggo." Ang sagot niya.
"Anong kabayaran?" ang tanong ng kanyang tatay na may riin ang bawat salitang binitiwan nito.
Hindi siya nakasagot narinig kasi nila ang mahinang yabag ng mga paa na bumababa sa kanilang kahoy na hagdan at nagkapalitan na sila ng tingin at muling dinampot ng kanyang nana yang kutsilyo at nagpatuloy ito sa paghihiwa ng laman ng baboy na ilalahok sa sinantol na paborito niyang ulam. Habang sila naman ng kanyang tatay ay sabay na dinampot ang kanilang mga mug at sabay din nilang hinigop at mainit at masarap na nilagang kape na tanim ng kanyang mga magulang sa maliit na lupang kanilang pagmamay-ari.
***
Pagkatapos niyang maligo ay agad siyang bumalik sa kanyang tinutuluyan na silid at dali-dali siyang nagbihis. Malamig ang tubig na kanyang ipinaligo, hindi kasi katulad ng bahay ni Maximo sa Maynila na may heater, ang sa bahay ng mga magulang nito ay wala. Kaya naman halos tumili siya nang dumampi na sa kanyang katawan ang malamig na tubig gamit ang isang dipper.
![](https://img.wattpad.com/cover/237295800-288-k839638.jpg)
BINABASA MO ANG
My Overzealous Bodyguard (Rooster's Club Series) (completed)
RomansaStrictly for mature readers only 18 and up! Please be guided. Kakayanin kaya ni Maximo Kanawayon ang malditang dalaga? At bakit from being a SWAT officer ay naging bodyguard siya ng isang bratinela? *** He was young and at the height of his career...