Tirik na tirik ang araw. Mukhang walang planong magpaulan ang langit. Sumilong ako sa kaharap kong malaking bahay. Kumuha ako ng panyo galing sa aking bag, saka ko ito pinagpunas sa noo.
Kanina pa ako paikot-ikot sa mga katabing bahay ng tambayan, pero wala akong makitang tindahan. Buwisit na Abil na 'yon! Binabawi ko na yung sinabi kong natutuwa ako sa kaniya kanina. Buwisit siya! Mukhang pinagtripan ako!
Hindi ko na nakayanan ang init kaya nagdesisyon akong balikan ang damuhong iyon. Ramdam ko na ang init sa pisngi ko. Siguro ay pulang pula na ito dahil sa pinaghalong init at galit. Parang gusto ko na lang sumabog. Kahit isang sapak lang sana sa lalaking 'yon ngayon, ikakaayos na ng buhay ko.
Pinihit ko ang seradura ng pintuan. Handa ko na sanang bugahan ng apoy ang buwisit kaso natigilan ako. Hindi lang siya ang nadatnan ko. May kasama siyang babae at mukhang nag-aaway pa sila sa lagay nila.
Parang umatras tuloy ang tapang ko. Tumagilid ako at dahan-dahang pumuwesto sa gilid ng pintuan. Mukhang hindi naman nila ako napansin kaya nanatili na lang ako sa tinatayuan ko.
"Kanina pa ako hanap nang hanap sa 'yo! Nandito ka lang pala. Iniiwasan mo ba 'ko, ha?!"
Umalingawngaw ang galit na sigaw ng babae. Nakatalikod ito sa gawi ko, habang si Abil naman ay nakaupo sa kaninang inuupuan ko. Wait, girlfriend niya ba ito? Sa pagkakaalam ko, wala siyang babae.
What is it for me, anyway? Tsk.
"Ano, hindi mo 'ko kakausapin?!"
Napangiwi ako nang makita ko ang pagsapak ng babae sa batok ni Abil. Buntong hininga ang narinig ko mula kay Abil. Ilang saglit pa ay tumayo siya at tamad na hinarap ang nagpupuyos na sa galit na babae.
Saglit siyang natigilan nang mapansin niya ako. Binalik rin ulit sa babae ang atensyon.
"I told you. Hindi ako interesado sa 'yo."
Ow... So, baka hindi niya nga girlfriend ang isang 'to. Napangisi ako sa naisip.
"Hindi interesado pero ang sweet mo sa mga reply mo? Pinagloloko mo ba ako?!"
Abil just shrugged his shoulder. "Hindi ako ang nagte-text sa 'yo."
Inis na binuksan ng babae ang kaniyang bag. Nakita ko ang pagbunot niya mula roon ang kaniyang cellphone. May pinindot siya at ipinakita ang screen sa mismong mukha ni Abil.
"Ayan! Number mo 'to! Ngayon mo sabihing hindi ikaw 'to!"
Naramdaman ko ang hindi pagiging komportable ni Abil na nandito ako dahil saglit niya akong tinapunan ng tingin bago sagutin ang himutok ng babae.
"It's Tamano's number."
Natigilan ang babae. Maski ako ay nagulat din sa narinig.
"Now, you know. You may leave us now."
Napaayos ako ng upo sa muling pagtingin sa akin ni Abil. Lumingon ang babae sa gawi ko. Kumunot ang noo niya na aking ikinabahala.
Humalukip siya at nagmartsa palapit sa akin. Ngayon, nakatayo na siya sa harap ko. Nanlilisik ang contact lense niyang nakatingin sa akin.
Matangkad siya kaysa sa akin pero hindi iyon hadlang para hindi rin ako makipagtitigan sa kaniya.
She's a bitch, alright. Sa panunuot pa lang niya na hapit na hapit sa kaniyang baywang, pati rin ang kapal ng kaniyang eyeshadow. Not to mention her curly hair na halatang hindi natural, she's really a bitch for me. Sorry to the term.
"At sino ka naman?"
Tinaasan niya ako ng kilay. Hindi ako nagpatalo kaya tinaasan ko rin siya ng kilay. Sa pagitan naming dalawa, sa tingin ko naman mas lamang ako. Natural ang pagkakaayos ng aking kilay. Di tulad ng kanya na halatang pilit pinagmumukhang natural, kahit halata namang dino-drawing-an lang.
![](https://img.wattpad.com/cover/261702939-288-k789294.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Encounter Again (COMPLETED)
Ficção AdolescenteHIGH SCHOOL SWEETHEART SERIES #1 What if you encounter your first love? Stephanie Wilson is the epitome of diligent, empowered, motivated and persistent woman. She gets what she wants. If she wants someone, she'll surely get it. She keeps working t...