Lutang akong umuwi sa amin. Ayaw pa rin maniwala ng buong katawan ko sa mga narinig. Kung hindi pa ako kinatok ni Tita Nina sa aking kuwarto, hindi maaalis ang paninitig ko sa kisame.
"Po?"
Salubong kong tanong kay tita pagbukas ko ng aking pintuan. Napatitig pa siya saglit sa suot kong damit bago idirekta sa mukha ko ang tingin. Napamura ako nang mapagtantong hindi pa pala ako nakakapagbihis ng pantulog. Hatinggabi na, Diyos ko!
"Nakalimutan ko," nahihiya kong sabi. Tukoy ko sa kasuotan ko. "Bakit po pala?"
Nawala ang pagkakakunot ng kaniyang noo. Napalitan ito ng simangot na mukha kaya naalarma ako.
She sighed. "Hindi ako makatulog. Puwede bang dito na muna ako sa 'yo?"
Pinanliitan ko siya ng mata, pero agad ko rin ginawaran ng malambing na lambing.
"Oo naman, siyempre," sang-ayon ko, saka siya hinalikan sa pisngi.
Naglalambing na naman siya. Bukas na kasi ang balik niya sa Davao. Medyo napaaga dahil kakailanganin siya doon.
Kahit malayo ang tanda niya sa akin, minsan siya ang nagmimistulang bata sa aming dalawa. She's so sweet to the point that I want her to be with me forever. Kaso katulad ng sabi niya, walang forever, it means na I can't be with her like I want to.
"Mami-miss kita," yakap ko ulit sa kaniya.
Pareho na kaming nakahiga ngayon sa kama ko. Magkatabi at halos sakalin na siya ng yakap.
"Sus! Puwede ka namang sumama sa akin, e. Ayaw mo lang."
Umismid ako. "Eh, tita. Hindi pa puwede. Nag-aaral pa ako."
Natawa siya ng kaunti at humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Muli na naman niya sinipat ang suot ko pang panglakad na damit.
"At bakit ka raw hindi pa nakapagpalit, hm?" may bahid ng panunukso niyang sabi.
Nag-iwas na lang ako ng tingin at niyakap ulit siya. Hindi nagtagal ay bigla akong napaupo. Ginaya din naman niya. My brows were furrowing while her was on point, waiting for me to speak up.
"Ganito kasi, tita," I uttered when her gazes firmly glued to me. "May lalaki sa school na gustong manligaw sa akin," hinto ko upang tingnan muli ang reaksyon niya.
Tumango lang siya at 'di nagbigay komento. Bumuntong-hininga ulit ako.
Maybe she thinks this is just what I normally confessed to her. Sa lahat kasi ng myembro ng pamilya namin, bukod kay Nero, tanging siya lang ang pinagkakatiwalaan ko sa usaping ganito. She's aware too about Jack.
"I don't like him," diretso kong sabi.
She beamed then let out a chuckle again. "Hindi mo naman pala gusto, e bakit napapaisip ka pa? Siya ba ang dahilan kaya 'di ka nakapagpalit, ha?" sinundot ako sa tagiliran.
I grunted. "Unfortunately, yes."
"Iyon naman pala, e!" she snapped as if she hit the prize of lottery. "Crush mo, 'no?" pointed her finger at me.
"Dati, oo," mahina kong sagot. "I mean, hindi na ngayon," agap ko nang mahimigan ko ang muli na naman niyang pagtawa.
Kaso wala pa rin. Natawa pa rin siya. Sumama tuloy ang mukha ko.
"Seryoso ako, tita," saway ko sa kaniya.
Tumahimik naman siya at seryoso akong tiningnan.
"Eh, bakit mo pa siya iniisip kung hindi mo naman pala gusto? Kita mo nga, nalimutan mo pa magpalit ng damit," saka siya humagikgik.
BINABASA MO ANG
Our Encounter Again (COMPLETED)
Ficção AdolescenteHIGH SCHOOL SWEETHEART SERIES #1 What if you encounter your first love? Stephanie Wilson is the epitome of diligent, empowered, motivated and persistent woman. She gets what she wants. If she wants someone, she'll surely get it. She keeps working t...
