Kabanata 31

47 13 21
                                    






Tinawanan lang ako ng loko matapos ko siyang pagkukurutin sa tagiliran. Paanong hindi ko siya kukurutin, e, nakailang yakap na siya sa akin sa araw na ito. Hindi porque, sinasanay ko ang aking sarili sa pagiging clingy niya, e, basta-basta na lang siya gumaganoon.

Okay, admittedly, it was half okay with me. Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi ako kinikilig sa kaniya ngayon.

Hindi dahil pogi siya, ha. Given na ang isang 'yan. Basta, kinikilig talaga ako sa mga banat niya. Pati ang pasimple niyang paakbay.

Katulad ngayon. Palabas na kami ng campus, papunta sa gate upang bumalik sa aming school. At nakaakbay na naman ang loko. Hindi na nadadala.

"Magta-tricycle tayo o jeep?" tanong ko sa kaniya nang nasa labas na kami ng campus.

Umiling siya. "Nag-text na ako. Susunduin tayo ni mama."

Mabilis akong napalayo sa kaniya. Pinamulagatan ko siya nang akmang aakbay na naman sa akin.

"Not in front of your mama," banta ko, sabay iling.

"Come on, Steph," nakangiti niya akong hinila pabalik sa kaniyang tabi. "She's aware about us."

"Kahit na!" muli kong layo sa kaniya. "Siya pa rin ang principal natin. Bukod do'n, mama mo siya. Ano na lang iisipin niya sa akin?"

"Okay, okay..." he raised up his arm in defeat. "Just stand beside me."

Nag-aalinlangan ko siyang tinitigan. Pero sa huli ay tumabi na rin ako sa kaniya. Moments later, a red car parked in front of us. Lumabas mula roon ang kaniyang mama, galing sa driver's seat.

She was wearing her suit. Ngumiti siya sa amin at una akong niyakap bago ang kaniyang anak. Sa shotgun seat naupo si Abil. Ako nama'y sa kanilang likuran, tahimik at walang balak na sumabat sa kanilang usapan.

They seemed having a serious topic. But then, calmness and casualness could trace on their voices. Tila ayos naman ang pakikitungo nila sa isa't isa.

Baka ayos na nga talaga sila. Pagkatapos kasi ng usapan nila, humalik pa si Abil sa pisngi ng kaniyang mama na talagang nagpagulat sa akin ng kunti. Tita principal hugged me again before we finally went out of their car.

Unang apak pa lang namin sa gate ay dinig na dinig na ang hiyawan ng estudyante. Marahil dahil sa pageant na kasalukuyang ginaganap ngayon sa Social hall.

Bumeso sa akin si Tita principal bago humiwalay sa amin at pumasok na sa kaniyang opisina.

"Panoorin natin Janara mo," nanunuya kong lingon kay Abil.

Tumigil siya sa paglalakad at natatawa akong inilingin. I still can't believe that once of his life, he had so many girls that used to fling with. At isa na nga roon si Janara.

Akala ko pa naman, siya yung tipo ng lalaki na suplado pero walang pakialam sa babae. Oh, well. It's not my life. It's his, so whatever he does, I shouldn't interfere.

Siyempre, ibang usapan na kung ako man ay tuluyan nang ma-fall sa kaniya. Subukan lang niyang mambabae, naku! I can do it too. May ibubuga rin kaya ako, kung hindi pa siya inform.

"Uy! Titig na titig kay Janara," biglang kantyaw ko ulit sa kaniya.

Nasa loob na kami ngayon ng Social hall. And yes, we're currently watching the pageant. Kasalukuyan ding si Janara ang rumarampa ngayon. Suot ang kaniyang Navy blue gown na halos masakop na ang buong stage.

Nasa pinakadulong parte kami nakatayo. Punuan na kasi ang loob kaya halos nasa labas na kami. Konting kembot lang at nasa bulwagan na kami ng pintuan.

Our Encounter Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon