"Unahin mo muna itong Science. Pagkatapos ay i-memorize mo itong 100 vocabolary. Para sa next week, masimulan na natin yung baby thesis mo. Gagawa pa tayo ng powerpoint mo para sa na-missed mong reports."
Napabuntong hininga si Abil sa sunod-sunod kong bilin sa kaniya. Natawa ako at patagilid siyang ginawaran ng mabilis na yakap. Pagkatapos ay ginulo ko ang kaniyang buhok.
"Kaya mo 'yan, okay? I'll be your guide for now. Alam ko naman na matalino ka, e. Isa pa, practice ko na rin 'to para sa kukunin kong course sa college," pampalubag loob ko sa kaniya.
Tumayo ako kaya napasunod ang mata niya sa akin.
"Where are you going?" untag niya.
Tinuro ko ang labasan. "Sa labas lang. Mamimili ng props para sa surprise," bulong ko sa huling sinabi ko.
Kung kanina ay medyo ayos-ayos pa ang pagkakaarko ng kaniyang kilay, ngayon ay hindi na masyado. Halos magdikit na kasi ito sa pagkakakunot.
"And you're going to leave without me?"
I drew up his chin just like what he always does to me. "Vince will accompany me," tukoy ko sa kapatid niyang si Vincent.
"You did not ask my opinion," napatayo na siya.
Sinapak ko siya sa balikat at pinandilatan ng mata. Nilingon ko ang kaniyang mama sa aking likuran. Nakahinga ako nang maluwag nang makita kong tulog pa ito.
"Huwag ka ngang maingay!" madiin kong saway sa kaniya. "At bakit ko naman hihingin opiniyon mo? E, kasama ko naman kapatid mo."
"Of course, you have to. Vince is a good looking guy. And you is his ideal. You two can't be together without my presence."
Naitutop ko ang aking bibig. Kalaunan ay marahan akong natawa. Kung hindi ko lang naiisip na magigising ang kaniyang mama ay baka hindi na ako nakapagpigil na mapahalakhak.
"Selos ka na naman?" I asked rhetorically. "Hindi naman ako pumapatol sa mas bata sa 'kin, e," I clarified.
Umiling siya kaya napasimangot ako. Bumalik ako sa pagkakaupo at hinawakan siya sa balikat. I relievedly stared him.
"Wala kang dapat ikabahala. You see? I'm starting to like you. I even jealoused to your Janara," paliwanag ko. May kasama pang irap nang banggitin ko ang pangalan ni Janara.
"Don't you trust me?" I seconded when I noticed his disagreement.
He sighed that gave me some relief. "Fine. Just don't get close or talk to him if it's not necessary."
I chuckled. "I'll try."
"Don't just try. Do it for me," agap niya.
Tumango na lang ako kahit malabo naman mangyari ang gusto niya. I pinched his nose before I stood up. He once held my hand and reminded me again about his worries.
"Sige na. Nasa labas na raw kapatid mo," paalam ko.
Natawa ulit ako nang saglit niya akong kunutan ng noo. Bago pa magbago ang desisyon niya ay tinalikuran ko na siya.
Nasa pintuan na ako nang sumunod siya sa akin. Hinalikan ako sa noo at marahan na kinurot ang aking pisngi.
"Take care," he said before letting me out of his mama's room.
Masyado akong nalula sa biglaan niyang pahalik sa noo ko kaya ang resulta, mukha na akong tangang ngingiti-ngiti habang bumababa sa hagdan. Kung hindi pa ako nakahawak sa railings ay baka nahulog na ako sa sahig.
![](https://img.wattpad.com/cover/261702939-288-k789294.jpg)
BINABASA MO ANG
Our Encounter Again (COMPLETED)
أدب المراهقينHIGH SCHOOL SWEETHEART SERIES #1 What if you encounter your first love? Stephanie Wilson is the epitome of diligent, empowered, motivated and persistent woman. She gets what she wants. If she wants someone, she'll surely get it. She keeps working t...