Kabanata 10

110 25 101
                                        






Katatapos lang ng morning class namin nang papuntahin ako ng school principal sa kaniyang office. She asked me about what Abil did. Kung ano raw ba ang pinag-usapan namin bago siya gumawa ng iskandalo kanina.

Of course, I said, I don't know what made him mad. Totoo naman talagang hindi ko alam. Malay ko ba sa lalaking 'yon. Imposible naman kung dahil lang sa sinabi ko sa kaniya, magkakagano'n na iyon.

"Wala ka bang alam na tinatambayan niya? I need to see him as soon as possible. The school won't tolerate his action. He disobeyed our rules."

Magalang akong umiling kay ma'am.

"Hindi ko po talaga alam. Hindi naman po kami nag-uusap, e."

Ma'am principal slowly nodded. May bakas pang pagdududa sa paraan ng kaniyang pagtingin sa akin. Gusto ko sanang habaan ang paliwanag ko kaso baka magmukha lang akong defensive sa paningin niya.

Kung bakit ba kasi ako ang napili niyang kausapin tungkol sa anak niya. Kung pupuwede naman yung dalawang buntot ng loko.

"Sa tingin mo, ano kaya yung dahilan kung ba't siya nagkagano'n?"

Here we go again. Paulit-ulit na kami sa tanong na 'yan.

"Hindi ko po talaga alam, ma'am. Siya na lang po tanungin niyo."

She sighed in a hopeless way. Napagtanto ata niyang wala siyang mapipiga sa akin.

"Thank you, Miss Wilson. Pasensya na talaga sa kinilos ng anak ko. I assure you he'll be punished. You may take your lunch."

Magalang akong yumuko. "Sige po."

Nakahinga ako nang maluwag pagkalabas na pagkalabas ko. Ito ang unang pagkakataon na makaharap ang principal namin. Iba ang pakiramdam. Naghahalong stress at pagkabalisa.

Nakikita ko naman siya lagi na palibot libot lang sa campus, pero hindi sa ganoong paraan. Na kakausapin harap-harapan.

She is known for being strict. Base sa pakikipagusap niya sa akin kanina, talagang strict nga siya. Iyon nga lang at hindi ko masyadong gets kung bakit ako pa ang napili niyang kausapin. For whatever her reason, I don't know.

Ayaw ko siyang i-judge sa pagiging ina niya kay Abil, pero bakit parang hindi niya madisiplina ang sariling anak? O baka naman talagang suwail lang ang isang 'yon?

Honestly, I don't know either. At ayaw ko nang alamin pa. Kung natakot na ako sa lokong iyon kahapon, mas lalo lang lumala ngayon.

Kanina, talagang nagulat ang lahat sa ginawa niya. Pinaulanan ako ng mga tanong ng aming classmates. Sumabay na rin ang lokaret na si Rebeka. Akala ng lahat, nag-away kami. Yung iba, talagang lumagpas na sa linya. Na kesyo mag-jowa raw kami na nag-away.

"Hindi ko talaga alam. At lalong hindi kami mag-jowa."

Tanging 'yan lang ang naisasagot ko sa lahat. Kung gaano kabilis gumawa ng kongklusyon ang mga kaklase namin, ganoon din kabilis kumalat sa high school department ang nangyari.

Bulongan at mausisang tingin ang binibigay sa akin ng mga nadadaanan kong estudyante ngayon habang nilalakad ko ang hallway pabalik sa room.

I know what they thinking. Wala silang pinagkaiba sa mga kaklase ko. I love being on spotlight, I admit. But not in this situation. Nakakairita!

"Anong sabi ni ma'am?" si Rebeka.

Katabi ko siya ngayon. Nasa cafeteria kami para sa aming lunch. Sinabi ko na rin sa kaniya ang mga nasabi ko kay Abil bago siya nag-iskandalo sa room.

Our Encounter Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon