Ilang minuto lang ang lumipas nang marinig ko sa labas ang sportbike ni Abil. Pumasok siya sa aming parking lot pagkabukas ko ng gate.
Lumapit ako sa kaniya. Tinulungan ayusin ang pagkakasabit ng kaniyang helmet sa gilid ng bintana.
"Your brother is weird," I said out of nowhere.
Kumunot ang noo niya. Saglit na muna niyang pinadulas ang kamay sa kaniyang buhok. Dahilan upang mas lalo itong magulo.
"What else did he say?"
Napatitig ako sa kaniya at sinubukang basahin ang seryoso niyang tingin. I thought he'd ask why.
"Wala naman," tinalikuran ko na siya. "Pasok ka."
Sumunod siya sa akin. Umupo siya sa kaninang inuupuan ni Vince. Sa tabi ko. Rebeka greeted him with a big smile on her face. While Tamano just nodded his head.
Nakita ko ang pagdampot ni Abil sa hindi natapos ni Vincent na balloon. Kahit ramdam ko ang nagtatanong niyang titig sa akin ay nagpatay-malisya ako. Kunwari, busy ako sa pagbobomba ng balloons. Wala na rin siyang nagawa kun'di tumulong.
Vince's last words still on my mind. Nakaka-buwisit lang dahil iba na ang naiisip ko ngayon sa kaniya. Parang ayaw ko na tuloy siyang maka-close o kaibiganin man lang.
We never had bonding. Even small interactions before this, wala. How come that he likes me?
"I told you. You're his ideal."
Abil looked at me with his piercing eyes. Napalunok ako at hindi nakapagsalita. Hindi kalaunan ay ngumiti siya sa akin.
"I don't have to worry anything, do I?"
Matagal bago ko pa siya natanguhan. Nang tuluyan nang naproseso ng utak ko ang tanong ay tinampal ko sa kaniyang balikat ang hawak kong balloon.
"Hindi nga sabi ako pumapatol sa bata!" I hissed. "Mandire ka nga," then rolled my eyes.
"Of course, you're not allowed to. Sa akin ka lang dapat. Sa twenty years old lang dapat."
Natawa ako sa paraan ng pag-aangkin niya sa akin. I don't know if I should feel some tingles or not. Pero oo nga. Kinilig nga ako ng slight.
"Ang dami mong alam," I quipped.
"Corny, isn't it?" he asked when he noticed my reaction.
"Tinanong mo pa," I chuckled. "Last mo na 'yon dapat. 'Di bagay sa 'yo."
"S'yempre. Ikaw lang bagay sa 'kin."
Napasapo na ako sa noo at iiling-iling siyang tiningnan. Kalaunan ay tinawanan ko ulit siya. Napukaw ang pareho naming atensyon nang biglang pumutok ang lobong binobombahan ko ng hangin.
He laughed but never uttered any words. Tumawa ako at kumuha ng panibagong balloon. Mahigit dalawang oras ang ginugol namin sa pagbobomba dahil tawa lang kami nang tawa.
Tumabi na rin sa amin ang dalawang magjowa. Panay joke pa si Rebeka kaya mas lalong nadagdagan ang tawanan. Iyon nga lang at kada nababanggit niya sa usapan si Vince ay nakakakuha siya ng marahan na batok galing kay Tamano.
Si Abil naman ay tinititigan ako kung ano ang magiging reaction ko. Tuloy, tiklop ang bibig ko. Baka kasi batukan din niya ako. Mahirap na. Baka masapak ko.
Kung hindi lang namin naiisip si papa ay baka tuluyan na kaming nagpakalunod sa pagtawa. At baka hindi na rin namin natapos ang balloons.
Tumayo ako at nag-inat. "Tulog na tayo," I yawned after we successfully done our doings.
BINABASA MO ANG
Our Encounter Again (COMPLETED)
Teen FictionHIGH SCHOOL SWEETHEART SERIES #1 What if you encounter your first love? Stephanie Wilson is the epitome of diligent, empowered, motivated and persistent woman. She gets what she wants. If she wants someone, she'll surely get it. She keeps working t...
