I received a text from Mich. Tinanong ako kung may alitan ba kami ng Kuya Abil niya. I said, nothing.
Wala naman talaga kaming alitan. Naiinis lang talaga ako sa buwisit na 'yon. Sa pamamahiya't paulit-ulit niyang pagtapak sa pagkatao ko. Iyon lang talaga.
I don't hate him, too. The term is heavy to be linked with his name.
Basta. The way he treated me and trashed my friendship irks me. Tapos kung makaaya siya sa akin kanina, parang kung anong candy lang ang hinihingi.
Magunaw na ang mundo't lahat, hindi ako papayag na maka-partner niya kahit pa pansamantala iyon.
Buti nga at nakahanap ako ng pambawi para maapakan rin ang ego niya. Ilang buwan din akong hina-hunting ng ginawa niyang pamamahiya sa akin sa harap ng classmates namin.
It feels euphoric to think that once in his life, there was a girl who refused his favor. And the girl I was referring is none other than me.
Oh, My God! Janara with his fangirls should bow down their heads to me.
"Tigilan mo na nga 'yan! Para kang tanga, e!"
Inis kong sinaway ang kanina pa tili nang tili na si Rebeka.
"Grabe! Ang gwapo't bait talaga ng bebe ko."
Inismiran ko na. Kung alam ko lang na hindi siya makakausap ng matino dahil sa walang sawa niyang katititig sa kuha nilang selfie ni Vincent, sana umuwi na lang ako.
"Another for keeps. Ah!"
"Sumbong kita kay Nero! Sige, ka."
There. Natahimik siya.
Inusog niya ang kaniyang arm chair palapit lalo sa akin. Akmang aakbayan ako pero tinabig ko na ang kaniyang braso.
"Ang kj mo!" inis niyang bulyaw.
"Paanong 'di magiging kj kung harap-harapan mong niloloko pinsan ko. Aba naman, Rebeka, ano!"
Small silence enveloped us. Nagtitigan kami at pinakiramdaman ang isa't isa. Hindi kalaunan ay sabay kaming humalakhak.
"Kinikilig ako, nyeta ka!" hinampas pa ako sa balikat. "Paano kaya kung mangyari iyon, 'no? Na pag-agawan ako ng mga crush ko. Siguro mahihirapan ako mamili. I cannot!"
I chuckled. "Hanggang imagination mo lang 'yan mangyayari," pambabasag ko. "Ang ganda mo naman kung ganoon."
She rolled her eyes at me. Binalik niya ulit ang tingin sa cellphone at doon na tinuloy ang pagtititili. Pinagmasdan ko siya't lihim na napapangiti.
Kung magkakajowa man ulit si pinsan, magkamatayan na't talagang ipu-push ko itong lokaret sa kaniya.
Ang simple lang kasi niya. Parang ako lang dati. Daming crush tapos minsan, nag-i-imagine rin ako ng kung anu-ano. For sure, safe si pinsan 'pag sa babaeng ito siya bumagsak.
My phone beeped. Ganoon na lang ang pag-irap ko sa hangin nang makita kong text ito galing kay ma'am principal.
Pinapapunta niya ako sa kaniyang office. Minsan talaga, nakakainis na rin na may kontak siya sa akin. Halos siya na kasi ang laman ng inbox ko.
Does her position not enough to make her life busy? Ang dami kasi niyang time, e.
Tumayo na ako. "Punta lang ako sa office," kuha ko sa atensyon ni Rebeka.
Kinunutan niya ako ng noo. "Si principal ulit?"
"Exactly. Siya na naman ulit," I sighed.
Ngumiti siya ng nakakaloko. Pagkatapos ay walang pakundangan akong sinundot-sundot sa tagiliran.
BINABASA MO ANG
Our Encounter Again (COMPLETED)
JugendliteraturHIGH SCHOOL SWEETHEART SERIES #1 What if you encounter your first love? Stephanie Wilson is the epitome of diligent, empowered, motivated and persistent woman. She gets what she wants. If she wants someone, she'll surely get it. She keeps working t...
