If you reach this part, thank you very much for supporting this. After this Kabanata, Epilogue (Abil's POV) is the next. Again, thank you for reading this. Borahae! 💜
-----
Ang bilis-bilis ng panahon, sa totoo lang. Iyong tipong hindi na ako makahabol sa sobrang bilis. Pero, ayos lang din naman. Mas ayos nga iyon dahil ilang araw na lang at graduation ko na. Nakaka-excite na nakakalungkot.
Siyempre, malulungkot ako dahil alam ko, namin, na kailangan ng bawat isa magseryoso sa buhay. Si Bakla, balak daw niyang mag-abroad dahil matagal na niya iyon pangarap.
Ang iba naman naming kaibigan ay may kaniya-kaniya nang plano sa buhay. Yung iba, ga-graduate na lang at magtatayo ng business. Samantala ang ilan ay balak rin ata mag-abroad.
And here I am, sitting pretty. Nakatanga sa langit habang hinihintay ang sobrang late nang si Bakla.
Ayaw ko na munang isipin ang future. Basta ang plano ko pagka-graduate ay magre-review sa matinong review center. After that, I'll take LET. Hopefully, makapasa. At siyempre, ang top priority ko as a human.
Sa ngayon, iyon na lang muna. Ayaw ko nang magplano nang magplano tapos sa huli, mabibigo lang ako. Eh, 'di parang binigo ko lang din ang sarili kapag nangyari nga iyon.
Just go with the flow and treasure the present.
"An'tagal mo!" salubong kong bulyaw kay Bakla.
"Sorry, sissy," lumapit siya sa akin at mabilis na yumakap. "Sobrang traffic at pahirapan sa pagsakay. Sa tingin mo, sino'ng mag-a-adjust?"
Kinurot ko siya sa tagiliran. Maarte siyang ngumiwi at ginantihan din ako ng kurot.
"Tara na nga!" higit ko na sa kaniya.
Pumasok na muna kami sa bahay upang magpaalam kay kuya. Ayaw ko na sana dahil nasa gate na kami no'n, pero ang bakla, gusto rin daw magpaalam.
"Gusto mo lang magpa-cute sa kaniya, e. Hindi ka no'n type!" pang-aalaska ko sa kaniya. Tukoy kay kuya.
"Ang sama mo sa future inlaw mo," kunwari niyang tampo.
Inikutan ko siya ng mata. Sabay na kaming pumunta sa sala pagkatapos ko siyang pagkukurutin sa tagiliran. Nadatnan namin si kuya na nakaupo sa sofa, pakape-pake lang sa harap ng telebisyon. Lumapit ako sa kaniya at bumeso.
"Kagigising mo lang?" tanong ko. Umupo na rin ako sa tabi niya.
"Isn't it obvious?" kalmado niyang untag.
Tiningnan ko ang kaniyang mata. Oo nga't halatang kagigising lang. Pasimple kong nilingon ang bakla sa aking gilid. Pinigilan kong huwag matawa nang makita ko ang kaniyang ayos.
Parang uod kung tumayo. Titig na titig sa wala naman pakeng si kuya. Kunting tulak lang ata sa kaniya, sa sahig na ang bagsak.
Napansin siguro ang paninitig ko sa kaniya kaya nalingunan ako. Ngumuso siya at tinuro ang hanggang ngayon ay tutok pa rin sa telebisyon na si kuya.
Ngumuso rin ako upang ituro ang katabing ispasiyo ni kuya. Tumango siya at dahan-dahang umupo roon. Pinapagitnaan na namin ang suplado kong kapatid.
"Saan ang punta niyo?" tanong ni kuya. Sa telebisyon pa rin ang tingin.
"Magpapaano lang ako," sabi ko, sabay lingon kay bakla.
"Sa beauty salon, kuya," pagpapatuloy ni bakla sa sinabi ko.
Kuya pa more!
"Bago mag-alas singko, dapat nandito ka na. Luluwas dito sina mama. Magpaalam ka na rin kay Ben."
BINABASA MO ANG
Our Encounter Again (COMPLETED)
Ficção AdolescenteHIGH SCHOOL SWEETHEART SERIES #1 What if you encounter your first love? Stephanie Wilson is the epitome of diligent, empowered, motivated and persistent woman. She gets what she wants. If she wants someone, she'll surely get it. She keeps working t...
