Kabanata 12

80 25 80
                                    






"Gago siya! Gago siya! Gago!"

Kanina ko pa paulit ulit na sinisigaw 'yan sa harap ni Abil. Ni hindi ako nakakaramdam ng kahit katiting na kahihiyan sa ibang tao na nasa paligid namin.

Ito ang paraan ko ngayon para maglabas ng galit at sama ng loob. Hindi ako umiyak. Pinipigilan ko talaga. Ayaw kong makita ng lahat ng nandito, lalong lalo na ang katabi ko, na iniiyakan ko ang walang itlog na lalaki.

Yes, Jack has no eggs. Paasa siya! Ano 'yon? Nagbigay siya ng madaming hints at signal para gustuhin ko rin siya tapos, basta basta na lang niya ako iiwan sa ere?

Hindi puwedeng nag-aassume lang ako. Oh, sige. Let's say, nag-assume nga ako pero imposible naman na hindi niya ramdam na may nararamdaman ako sa kaniya. Talagang imposible, so ano ang rason niya kung bakit niya ako hinahayaan?

Para saan ang mga sweet convo namin? Yung paghatid sundo niya sa akin? Yung extra sweetness namin sa isa't isa? Para saan lahat ng iyon kung talagang nag-aassume lang ako?

Habang ako, nahihirapan sa pag-iisip kung ano nang nangyayari sa amin, tapos siya, ayun! Nagagawang makipagkuwentuhan sa babaeng nali-link sa kaniya.

He's so insensitive! Kahit isang reply sa mga text ko, o kaya ay konting paliwanag man lang sa akin, wala! Hinahayaan niya ako sa ganitong sitwasyon.

"Siguro, gano'n ka rin, ano?!"

Sa sobrang bigat ng nararamdam ko ay naitanong ko 'yan kay Abil. Si Abil na kanina pa tahimik.

He hissed. Nabalik tuloy ako sa ulirat. Kinuha ko na lang yung patunaw ko nang dirty halu-halo na kanina pa niya in-order para sa akin.

Hindi ko alam kung nasaan kami ngayon. Dito niya ako dinala. Basta ang alam ko, malapit lang ito sa school. Dito ata tumatambay ang mga estudyanteng hindi afford ang mamahaling restaurant since may nakikita akong mangilan ilan na estudyante sa harap.

The place isn't dirty. Iyon nga lang at hindi masyadong maayos ang pagkakatayo ng mga tinda. Para lang 'tong bangketa na hindi. Dikit na dikit na maliliit na tindahan na may isahang lamesa sa harap.

"Cry if you want to. Alam kong iyakin ka."

Padabog kong binaba ang hawak ko. Imbes na ma-touch ako sa sinabi niya ay mas nainsulto pa ako.

"Ba't ko naman iiyakan ang buwisit na 'yon, ha?! Si Jungkook ba siya?!"

Wala na akong pakialam sa ibang nandito. Gusto kong sumigaw. Subukan lang ng ibang pigilan ako, makakatikim ng tadyak sa akin.

Pigilan na lahat ng puwedeng pigilan. Huwag lang ang babaeng brokenhearted na kumakain ng dirty halu-halo.

"Who's Jungkook, by the way? Another boy?"

Kung sa ibang pagkakataon, baka natawa pa ako sa pagkainosente ng isang 'to. Kaso, brokenhearted nga ako.

"Nevermind," I uttered. Continued what I was eating. "Basta, hindi ako iiyak. Hinding hindi!" bigla akong humagulgol.

Wala na. Sumabog na talaga ako.

"You're right. Iyakin nga talaga ako," I said, more sobs wracked in my body as I thought of Jack.

Akala ko, tatawanan niya ako, pero mali. Isang malalim na buntong-hininga lang ang narinig ko sa kaniya. He even offered his dirty halu-halo.

Hinayaan ko ang sarili na iiyak lahat habang inuubos ko ang pisting halu-halo na ito. Kanina ko pa nilalantakan pero hindi maubos-ubos.

Binalingan ko ang tahimik pa rin na katabi. Nakahalukipkip lang siyang nakaupo sa plastik na bangko. Tama lang ang agwat namin para sipatin ang ayos niya. Ang mahahaba niyang binti ay nakakrus.

Our Encounter Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon