"Ito na ba lahat?" tanong ko sa classmate namin, sabay kinuha ang inabot niyang notes.
"Oo, Steph. Basta, balik mo rin agad, ha?"
I genuinely nooded at her. Lumapit ako sa kaniya at ginawaran ng mabilis na yakap bilang pasasalamat.
"Whenever you need some help, don't hesitate to ask me, ha?"
"Ano ka ba!" marahan niyang tampal sa balikat ko. "Ayos lang talaga. At saka, tayu-tayo lang din naman ang magtutulungan."
"Basta, thank you talaga."
Again, I hugged her. Ngumiti siya at umalis na sa harap ko. Lumapit na rin ako kina Tamano't Rebeka at nagpaalam na. Palabas na ako ng campus nang makasalubong ko ang aming adviser.
"Hi, ma'am," tigil ko upang bumati.
"Oh, Miss Wilson?" ngiti niya.
Lunch time namin ngayon at tulad ng ginagawa ko nitong nagdaang dalawang linggo, sa ospital ang aking diretso. Mabuti na lang talaga at nakasalubong ko si ma'am. Balak ko pa sana siyang kausapin mamaya.
"Ah, ma'am," simpleng kamot ko sa aking batok. "May gusto sana akong itanong sa 'yo," nahihiya kong usal, yakap-yakap ang hiniram kong notes para kay Abil.
Tinaas niya ang kaniyang magkabilang kilay. "Ano 'yon?"
"May chance pa naman na g-um-raduate si Abil, 'di ba?"
Saglit siyang natigilan. She hemmed and it took her seconds before finally nodded her head.
"Meron naman..." she paused for a while. "Kung maipapasa niya lahat ng requirements sa final."
That gave me some relief. "Sige po, ma'am. I'll inform him," mabilis kong ngiti.
"Bakit, nagkakausap ba kayo?" now, she sounded curious.
I nodded. "Opo. May problema lang ho sila ng pamilya nila kaya hindi na siya nakakapasok," paliwanag ko.
Mas lalong naging kuryuso ang kaniyang ekspresyon. I couldn't blame her. Wala kasing nakakaalam dito sa school kung ano talaga ang totoong kalagayan ni ma'am principal--- well, except Janara, I guess?
"Ganoon ba?" si ma'am. Nanatili ang pagiging kuryuso sa kaniyang mukha.
Tumango na lang ako at ngumiti. Gustuhin ko man sabihin sa kaniya ang totoo kaso baka magalit sa akin si Tita principal. Ayaw ko silang pangunahan.
"Sige po, ma'am. Salamat," I smiled at her for the last time.
"Sige," tango niya, sabay ngiti.
She reminded me about Abil before slowly tapped my shoulder. Nagtuloy na ako sa paglabas at pumara ng taxi na may ngiti sa labi.
These past few days, usap-usapan sa room namin ang hindi pagpasok ni Abil. Oo nga't sanay na sila sa pagiging absenot ng isang iyon pero ang kadahilanang laging present si Tamano ay ang naging palaisipan sa kanila. Lagi nila akong tinanong, pero tanging kibit lang ng balikat ang naisasagot ko.
Rebeka and Tamano once asked me too, but just like others, I didn't tell them any details. Nakakakonsensya lang dahil halata kay Tamano ang pag-aalala sa kaibigan.
Pero ang labis na nagbibigay sa akin ng alarma ay ang pagkaka-announce ng aming adviser tungkol sa nalalapit na naming finals. Walang problema sa grades ko, kay Abil lang talaga ang meron.
Ang dami na niyang na-missed. Mga major activities pa naman ang lagi naming ginagawa sa room. Kung hindi papalarin, baka hindi na namin siya makasama sa graduation.
BINABASA MO ANG
Our Encounter Again (COMPLETED)
Teen FictionHIGH SCHOOL SWEETHEART SERIES #1 What if you encounter your first love? Stephanie Wilson is the epitome of diligent, empowered, motivated and persistent woman. She gets what she wants. If she wants someone, she'll surely get it. She keeps working t...
