Kabanata 37

45 6 13
                                        





Pumara ako ng tricycle at bumalik sa school. Alam ko, dapat nanatili ako roon at pinakinggan man lang ang balak niyang paliwanag. At alam ko rin na dapat s-in-et aside ko na muna ang nasaksihan dahil una sa lahat, hindi naman talaga ako sigurado kung sino ang babaeng iyon. Ni hindi nga ako nakasisiguro kung babae ba talaga iyon o lalaki.

Pangalawa, birthday niya. And it is supposed to be his first birthday with me being his girlfriend.

Pero ano'ng magagawa ko? Naiinis ako na nasasaktan. Mixed emotions.

Ang daming negatibong ideya ang pumapasok sa utak ko. Isama mo pa ang nakita ko sa video. The message and call. Even his cuss never escaped. Bakit siya napamura kung wala lang talaga iyon?

How about what Vincent said? The playboy kuya?

I stamped my feet on ground out of dismay and frustration. Wala akong pakialam kung pinagtitinginan na ako ng napapadaang estudyante.

Gusto kong manabunot ng tao. Specifically, sa mga babaeng nali-link sa kaniya.

Buwisit na buhay!

Siguro naman may karapatan akong maging ganito, 'di ba? Nitong nakalipas na mga linggo, harap-harapan nang binabastos ang relasyon namin.

At nakasisiguro akong nakarating na kay Abil ang kumakalat na tsismis. Kina papa nga, oo. Paano pa kaya siya na dito lang ang building?

Fuck him! Fuck them all!

Inis kong binato ang aking cellphone sa sahig. Ang kasalukuyang napadaang estudyante ay natigilan dahil do'n. Hindi kalaunan ay nilagpasan ako habang may nagtatakang tinging nakapukol sa akin.

Naiinis ako kaya subukan lang ng ilan dito na sawayin ako. God knows kung anong kaya kong gawin sa kahit sino ngayon!

"Ang highblood mo," someone laughed behind my back.

Kahit hindi ko na lingunin, alam ko nang si Ben na naman iyon. Pinulot ko ang aking phone at binalik sa bag. Nilingon ko siya ay inikutan ng mata.

"Nag-away kayo, 'no?" he presumed.

Ulit, inikutan ko siya ng mata. "At natutuwa ka na naman?"

Tinawanan lang niya ang pagiging sarkastiko ko. Mayamaya pa ay humalukipkip siya at tinaasan ako ng kilay.

"Ako na lang kasi syotahin mo. Guwapo, loyal, mayaman at.... guwapo ulit."

I hissed. "Hindi ako naghahanap ng guwapo!"

He let out a chuckle again. Inirapan ko siya at akmang tatalikuran ngunit nahuli niya agad ang braso ko.

"Have you heard the latest tsismis about your Hunter?" mapang-asar pa niyang tanong.

Kahit gustong-gusto ko na siyang supalpalin ay hindi ko ginawa dahil sa pagkakabanggit niya sa pangalan ni Abil.

"Spill it or I'll stab your head upside down?" banta ko.

He tsked repeatedly and mockingly tapped my chin upward.

"Steph, Steph, Steph," aniya habang paulit-ulit na iniiling ang ulo. Tila kaawa-awa ako sa paningin niya.

Humakbang siya palapit lalo sa akin. Sunod na pinosisyon ang hintuturo sa ibabang baba ko.

"You are blindedly inlove with your boyfriend. Akala ko ba, you only find trust in condom?"

"Fuck you!" I fumed.

He laughed again and didn't mind my irritated face.

"Halos lahat na ng magagandang dilag dito, hinahalikan ng magaling mong syota. Siguro naman kilala mo si Janara, 'di ba?"

Our Encounter Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon