"Kanina pa nasa sala ang pinsan mo, anak. Lumabas ka na d'yan. Late na kayo."
Once again, I beamed at my reflection. Inayos ko ang pagkakasuklay ng aking buhok at muling sinipat ang suot kong palda, ang uniporme ko.
Nakaupo sa malawak naming sofa si pinsan nang lumabas ako sa aking kwarto. Mukhang kauubos pa lang niya sa hinain sa kaniyang almusal ni papa.
"Ang tagal mo," seryoso niyang reklamo.
Hindi ko alam kung bakit sasabay na naman ang loko sa akin papuntang school. Marahil ay makikiusisa na naman tungkol sa amin ni Abil kahit wala naman talagang dapat malaman.
Lately, may kumakalat na naman sa buong high school department na tsismis tungkol sa amin ni Abil. Maliban sa nakaraang tsismis tungkol sa amin, nagatungan pa iyon nang may nakakita pala sa amin no'ng nililinis namin ang schoolyard.
Dalawang araw na ang nakalipas magmula nang pangyayaring iyon at baka umabot na nga sa pinsan kong ito ang tsismis. Bahala siya. Wala siyang makukuha sa akin dahil talagang wala naman talaga.
Sabay kaming pumasok sa kotse. Tahimik lang ako at hindi nagsasalita. Ganoon din siya. Siguro'y napansin ang kawalan ko ng gana kaya hindi na nagtatanong ang loko. Mas okay na rin iyon. Sa totoo lang kasi, ayaw ko pa sana siyang makita.
Ewan pero naaalala ko lang si Jack kapag nakikita ko ang pinsan kong ito.
Alam kong hindi maganda na pati siya na walang kaalam-alam ay dinadamay ko. At lalong mas alam ko na talagang hindi naman maiiwasan na sumagi sa utak ko si Jack. Lalo na't kaklase ko pa ang isa sa kanila, si Abil.
Ang akin lang kasi, umiiwas lang ako sa sama ng loob. Wala naman siguro masama sa pagprotekta sa sarili, 'di ba?
Ewan. Ang gulo ng utak ko.
"Pinsan..."
Papasok na ako sa aming room nang habulin ako ni Nero. Na-guilty tuloy ako nang mapansin ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha.
"Oh, pinsan. May kailangan ka pa ba?" pinilit kong magtunog normal.
"Sabay na tayong mag-lunch mamaya? Treat ko."
Kumunot ang noo ko sa alok niya. He's not usually like this. Kuripot siyang tao kaya nakapagtataka lang na gusto niya akong ilibre ngayon.
Lumapit pa lalo ako sa kaniya. Pinanliitan ko siya ng mata. He just smiled.
"Wala ka naman sigurong sakit, ano?"
Nakangiti siyang umiling. "Limited edition lang 'to, insan. Ano, payag ka o payag ka na?"
Ako naman ang umiling. "Ipa-reserve mo muna 'yan. May kasabay na ako," Okay, I lied. Huwag muna kasi sa ngayon.
"At sino na naman?" aniya, pinanliitan din ako ng mata. "Si Hunter ba?"
Hunter. Hindi ko pa rin talaga alam kung ba't 'yan ang tawag nila kay Abil. Hindi naman sila k-pop idol para may pa-stage name na nalalaman.
"Not him, of course. Ano na naman ba ang naiisip mo?"
"Wala lang," kibit-balikat niya. "Sige na. Basta kita na lang tayo," lumapit siya sa akin.
Nagulat na lang ako nang yakapin niya ako nang mahigpit. He positioned his hand over my head, then start tapping it.
"Ano ba!" hawi ko sa kamay niya. "Mamamatay ka na ba, kaya ambait mo ngayon?!"
He chuckled. "Hindi. Sige na. Bye."
Salubong ang kilay kong nakatanaw sa papaalis niyang pigura. Umiling ako at pumasok na sa loob.
Nakaupo na sa katabi kong arm chair si Janara nang pumasok ako. Nagngitian kami.
BINABASA MO ANG
Our Encounter Again (COMPLETED)
Teen FictionHIGH SCHOOL SWEETHEART SERIES #1 What if you encounter your first love? Stephanie Wilson is the epitome of diligent, empowered, motivated and persistent woman. She gets what she wants. If she wants someone, she'll surely get it. She keeps working t...
