Kabanata 18

77 22 39
                                        




Agad kong hiningi ang number ni Abil sa kaniyang mama kinabukasan. Tinanong ko rin sa kaniya kung pupunta ba sa school ang isang iyon o kung hindi man, saan ko naman ito mahahanap.

Tita principal:

    Probably, he's with his friends.

I thanked her and quickly went to his son's possible location, specifically at Chicken house. Nagpahatid ako kay manong papunta roon.

Ngayon ko sasabihin kay Abil na pumapayag na ako sa kaniyang offer. Good thing, isang linggo kaming walang pasok since next week na ang aming foundation week.

Upon entering the entrance, my eyes automatically glued to Abil. Nakaupo siya sa dating inuupuan nila ni Janara noong huling punta ko dito. He's alone and eating something I don't recognize.

Tumayo ako sa harap niya. He glanced upward, so our eyes met. I smiled at him then sat on chair where Janara used to.

"Hi," I beamed.

He stared at me piercingly. Sunod niyang pinagkrus ang mga braso. Ako nama'y natulala na sa kaniya. Umatras bigla lahat ng kompiyansa ko sa sarili.

"What do you need?"

I swallowed hard out of panic. Itong mga galawan talaga niya ang nagpapakaba sa akin. Parang gusto ko na tuloy umuwi at magtalukbong na lang ng kumot sa bahay.

"I'm asking you, Steph."

"Ahm..." I uttered, frantically. "Ano kasi... My mind changed," I somehow felt relieved as I delivered what I wanted to say.

Mula sa pagkakahalukipkip, pinatong niya ang kaniyang braso sa harapan naming lamesa. His chin positioned on his palm.

Damn! Mas lalo lang ako hindi napakali. Ngayon na mas napalapit pa ang paninitig niya sa akin.

"What made your decision changed, then?"

"Wala," agap ko. "Naisip ko lang na gusto ko. May nahanap ka na bang pamalit ni Janara?"

God! Nagmadali akong pumunta rito tapos sa huli, baka may ka-partner na pala siya. Sa katayuan ba naman ng isang 'to sa campus? Naman, e!

He sighed. Tumayo siya kaya napasunod ang tingin ko sa kaniya. Pumunta siya sa kahera, maybe to pay his food.

Ilang saglit pa ay bumalik siya sa harap ko. Nakatayo't nakadungaw na sa akin.

"Let's go."

Without waiting my words, he turned his back on me. Bago pa siya makalabas ng tuluyan ay sumunod na ako.

"Saan ang punta natin?"

Sinasabayan ko siya sa paglalakad. Nagpalingalinga rin ako sa magkabilang highway. Tumawid kami sa kabilang dako nang Go sign na.

Hindi niya sinagot ang tanong ko pero kusa ko itong nalaman nang pumasok kami sa school, diretso sa Social hall.

"Hi, Abil!"

I glimpsed the girl who greeted him as we get in here. Hindi siya pinansin ng kasama ko. Bagkus nilagpasan lang ito na parang walang narinig.

Marami pa'ng sumunod na bumati sa kaniya. Ako naman ay binabaliwala lang din dahil ang mata ko'y palinga linga na sa paligid.

Dito ang pinangyarihan ng orientation namin noon. Walang bago. Maliban lang sa pagtanggal ng staff sa dating bangkong nakahilera. At ang mahigit sampung estudyante na nandito ngayon.

Puro sila magaganda't may hitsura. Sila na ata ang pambato ng ibang section at year level.

"Hi, Stephanie. Nandito ka pala."

Our Encounter Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon