Kabanata 32

42 13 16
                                    





"Sige, Steph. Una na kami, ha?"

Tinanguhan ko si Rebeka. Nakasunod lang sa kanila ni Tamano ang aking tingin. Lunch time na at balak nilang mag-date sa labas ng campus.

And here I come. Mag-isa na naman. Tatlong araw na magmula nang nagbalik-aralin na naman kami. At tatlong araw na ring absent si Abil.

Kung last week, inis na inis na ako sa kaniya dahil sa pagiging talkshit niya. Tapos idagdag mo pa na magkasama naman pala sila ni Janara. At malay ko kung ano ang ginawa nila.

Pero ngayon, napalitan na ito ng pag-aalala sa kaniya. Luh. Tatlong araw kaya siyang walang paramdam sa lahat. Maski ang bestfriend niyang si Tamano, walang alam kung ba't 'di na pumasok ang isang iyon.

Okay, I tried to get an answer from Janara. Pero lalapit pa lang ako sa kaniya, napapaatras na katawan ko, e. I mean, hindi ko kayang magtanong sa kaniya.

Basta. Nahihiya ako sa kaniya na naiinis. Ang nakayanan ko lang sa kaniya itanong ay kung ayos na ba siya dahil sa nangyari noong nakaraan. Tipid pa ang pagkakasagot niya sa 'kin. Halatang ayaw makipag-usap kaya paano ko siya tatanungin?

Nanlulumo akong napaupo sa aking arm chair. Pumangalumbaba ako at pumikit. Hindi na lang ako magla-lunch. Hindi pa naman ako gutom, e.

Isa pa, ayaw kong pumunta sa cafeteria. Hindi sa tinatamad ako, pero nitong dumaan na dalawang araw, hindi na ako dumadayo doon.

I admit, I miss Abil a little bit. Paano ba namang hindi, e, sa buong foundation week namin, e, siya ang kasama ko. Alam ko, sobrang ikli ng panahong iyon para ma-miss siya, pero ganoon talaga ako.

Kunting samahan lang, ayon at makukuha na loob ko.

Bumuntong-hininga ako at inangat ang ulo. Pinatong ko ang aking baba sa aking kamay, sabay pinagmasdan ang walang katao-taong classroom namin.

Mali pala. May tao pala rito. Si Ailee. Nginitian niya ako nang mapansin ang paninitig ko sa kaniya. Mayamaya pa ay nagmartsa na siya palapit sa akin. Umupo sa katabi ko.

"Hi," she greeted.

Kinunutan ko lang siya ng noo, sabay inkutan ng mata. Wala akong balak makipag-tsikahan sa kaniya.

If she thinks I'll fall for her unsincere 'hi', sorry but she is mistaken. Nasa utak ko pa ang kasalanan nila ni Janara sa akin. Marahil iyon na rin ang dahilan kung bakit hanggang ngayon ay hindi mapanatag ang kalooban ko sa kanilang dalawa.

"Alam mo ba kung nasa'n si Abil?"

Napairap ako sa tanong niya. Nilingon ko siya at tinaasan ng kilay. She smiled at me again but immediately faded as she noticed my negative feedback.

"Tinatanong ko lang. Baka kasi hinahanap mo," aniya sa mababang tono.

Sa harap na ngayon ang kaniyang paningin. Pinaningkitan ko siya, dahilan upang mapalingon ulit siya sa akin. Still, I didn't utter any words.

She heaved a sigh as if she wasn't comfortable anymore. Well, same here.

"Nasa ospital siya. Nasak--"

Agad akong napatayo. "Ano'ng sabi mo?!"

Nagkamot siya ng ulo at tumayo rin upang pantayan ako. Namimilog ang mata kong nakatingin sa kaniya. Damn. Did I hear it right?

"Hindi mo pala alam?"

"Magugulat ba ako kung alam ko?!" sarkastiko kong untag.

Ibubuka palang niya ang kaniyang bibig ngunit tinalikuran ko na siya agad. Subalit muli rin akong napabalik sa harap niya nang may napagtanto ako.

Our Encounter Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon