Kabanata 30

59 18 28
                                        





"Hindi nga ako nagseselos, gaga!" nakailang depensa ko kay Aries.

"Sus. Huwag kami!" sabay-sabay pa nilang sabi.

Inikutan ko sila ng mata at hindi na nakipagtalo. Nandito kami ngayon sa campus ng dating pinapasukan kong school. Dito kami dumiretso pagkatapos ng pagtataray ko kay blonde girl.

I admit that I was so rude to her. Nagsisisi rin naman ako ng kaunti. Pero ano'ng magagawa ko? Nainis talaga ako dahil sa pisting mineral water na iyon!

Ang pinakaayaw ko pa naman sa lahat ay ang pangingialam sa gamit ko.

"Siya ba 'yon?"

Sabay-sabay kaming tatlo na napatingin sa tinuro ni Betty. Naikuyom ko ang aking kamao nang makita kong si Abil pala ang tinutukoy niya. Nasa gate ang loko at mukhang balak na pumasok dito.

"At talagang sumunod pa dito, ha?" I murmured with a gritted teeth.

"Magaganap na ata ang 'Stephanie, let me explain'," Aries mimicked that made the two girls laughed.

Nanatili akong nakatingin kay Abil. Hindi magawang sumabay sa tawanan ng tatlo.

"Tapos, sasagot naman si Steph ng, 'tapos na tayo!' with matching walk out," Finly added.

Saglit ko silang sinamaan ng tingin bago ibalik kay Abil ang atensyon. Ang loko, mukhang naiinis na dahil ayaw papasukin ng guard.

Hindi kalayuan ang tinatayuan namin sa kinaroroonan niya. Klarong-klaro dito ang pagkakasalubong ng kaniyang kilay habang nakikipag-usap kay guard.

"The fudge!" ganoon na lang ang pagmura ko nang matanaw ko ang pagtulak sa kaniya ni guard.

Walang anu-ano ay nagmartsa ako papunta sa gate. Naramdaman ko ang pagsunod ng tatlo sa aking likuran kaya nagtuloy-tuloy na ako.

"Abil!" tinakbo ko na ang gawi niya nang umakto siyang susuntukin ang guard.

"He's our friend," malumanay ngunit inis kong paliwanag kay manong guard.

Napaatras siya at bumalik sa kaniyang puwesto nang sinang-ayunan ako ng tatlo kong kaibigan. Dapat lang.

May share sa school na ito ang magulang ni pinsan kaya takot na lang niya na galitin ako.

"Let's go," baling ko kay Abil.

Hinawakan ko siya sa braso at hinila na papasok ng campus. Dumiretso kami sa Soccer field, ang dati naming tambayan na magkakaibigan.

"Mag-uusap muna kami," paalam ko sa tatlo at iniwan sila sa kabilang stone beach.

Naupo kami ni Abil sa katabi lang nilang bangko. Hinilot ko ang aking sentido at nilingon ang kalmado nang si Abil.

He held my hand when he noticed how stress I am because of what happened. I heaved a sigh again and calmed myself.

"Are you okay?" malumanay kong tanong sa kaniya.

Tahimik siyang tumango. Marahan niyang hinigit ang kamay ko at hinapit ako upang mas lalong mapalapit sa kaniya.

"I'm sorry about earlier," he said, drapping her arm over my shoulder.

To my surprise, my madness went down. I tousled my hair and sighed again.

"I'm sorry too," I shot back. "Dapat 'di ko na tinarayan si blonde girl. Ano mo ba siya?" kalmado kong lingon sa kaniya.

Baka mamaya, relatives pala niya. O kaya pinsan talaga. Tinaray-tarayan ko pa naman.

"She's Shane. An old friend. Crush ko noon."

Our Encounter Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon