Tuluyan na akong nanigas sa tinayuan ko. Gusto kong magbuka ng kahit na anong salita pero pakiramdam ko, konting galaw ko lang ay mapapaupo na ako sa damuhang sahig na tinatapakan ko.
Abil is still standing beside me. He never uttered anything after what he said.
Dapat lang! Hindi niya alam ang naging epekto nun sa akin ngayon. Yung puso ko, wala na sa katinuan at dahil sa kaniya ito!
If I could just run and cage myself in a box where it could somehow alleviate this weird feelings, ginawa ko na. But damn! I couldn't even move.
"Tapos na yata sila. Let's go?"
Matagal bago ko nalingon ang ngayon lang nagsalita ulit na si Abil. I swallowed hard before I nodded my head at him.
Tuwid siyang tumayo. Agad ako napaiwas nang akmang hahawakan niya ako sa braso. Naguguluhan niya akong tiningnan kaya hilaw ko siyang nginitian at pumauna na sa paglalakad.
Hindi ko hahayaang mahalata niya ako! Not now. Not even next time!
Mabilis ang mga lakad ko papuntang labasan. Kahit papaano'y nakahinga ako nang maluwang nang matanaw ko ang family car namin na nakaparada na sa tapat ng gate.
Gusto ko pa sanang tingnan ang aming room kung andoon pa rin ba sina Rebeka, pero dahil sa nangingibabaw na kakaibang nararamdaman ay hindi na ako nag-atubili.
Nagmadali akong pumasok sa kotse. Wala ng lingon-lingon pa sa likuran. Saka lang ako tuluyan na nakahinga nang maluwag nang lumarga na si manong.
Bumeso ako kay papa pagkapasok ko sa sala. Hindi na siya nagtanong pa ng kahit ano kaya pumasok na ako sa aking kuwarto. At doon ko na nilabas lahat ng inipon kong tili.
Yakap-yakap ang kinakawawa kong unan, lumundag lundag ako sa kama. Wala na akong pake kung masira pa ito. Basta, gusto kong sumigaw lang nang sumigaw.
Buwisit na Abil na iyon! Nakailan na siya sa akin sa araw lang na ito. Akala ba niya hindi ko napapansin lahat?
Or maybe he's just that insensitive na konting kibot lang ng kaniyang labi, hindi niya alam ang nagiging epekto nun sa mga babae?
Damn. Muli na naman ako tumili.
Bakit parang kinikilig ako? Buwisit!
Humilata ako sa kama at pinagsusuntok na lang ang kanina pang gusot na gusot na unan ko. Paulit-ulit ko itong pinagdiskitahan, hanggang magsawa ako.
I freaking hate him! I hate him for making me feel like this! Buwisit siya!
Pagod akong humilata sa kama. I tried to calm myself when I heard my papa outside, calling me for our dinner. Nagpalit ako ng pambahay at lumabas na.
Ngingiti-ngiti akong humalik sa pisngi ng aking papa. He weirdly stared at me. Kunot na kunot ang kaniyang noo. Luckily, he never said anything.
Hanggang sa pagtulog ko ay dala-dala ko pa rin ang hindi mawaring nararamdaman. Tuloy, kinabukasan, sa hindi malamang dahilan, excited akong pumasok sa school.
Alas sais pa lang ng umaga ay nagpahatid na ako kay manong sa school. Sobrang aga pa pero wala na akong pakialam.
Ngayon ang unang araw ng practice namin ni Abil para sa sinabing rampa para sa mga muse at princes.
Nasa gate pa lang ako nang mapawi agad ang dalang excitement. Sumama ang mukha ko at ganoon na lang ang pagsimangot ko nang matanaw ko si Abil. Kaharap niya si Janara.
They seem having fun while talking.
Kinalma ko ang sarili at lumapit sa kanila. Sabay pa silang napatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Our Encounter Again (COMPLETED)
Fiksi RemajaHIGH SCHOOL SWEETHEART SERIES #1 What if you encounter your first love? Stephanie Wilson is the epitome of diligent, empowered, motivated and persistent woman. She gets what she wants. If she wants someone, she'll surely get it. She keeps working t...
