Kabanata 11

96 25 68
                                        





Umagang umaga, mukha agad nina Abil at Janara ang sumalubong sa akin. Nakatayo sila sa gilid ng gate. Magkaharap na nag-uusap. Mukha ngang wala silang pakialam sa napapadaang estudyante, e.

Naalala ko na naman ang bilin ng principal. Hindi ako pinatulog nun kagabi. Palaisipan pa rin sa akin kung bakit sa dinami-dami  ba naman ng babae dito sa school, e ako pa talaga ang napili.

Okay, let's say she wants me to be friends with her son, pero bakit nga ako? Ilang beses ko nang sinabi sa kaniya na hindi naman kami nag-uusap ng kaniyang anak. So, bakit nga ako?

I sighed and shook off all my thoughts. Kinuha ko sa aking bag ang katatapos ko lang na listahan tungkol sa 'kin. Naglakad na ako palapit sa dalawa.

"Hi..." halos pabulong ko nang bati sa kanila.

Si Abil ang unang lumingon sa akin. Ilang segundo pa ang lumipas bago sumunod si Janara.

"Pinag-uusapan niyo ba yung activity?" I assumed in a doubtful tone.

Abil didn't utter a word. Ni hindi siya tumango o anumang kilos na naghahayag ng isang tugon.

"Actually, sasabihin ko pa lang," si Janara.

Saglit na nangunot ang noo ko sa naging sagot niya. Kung iisipin, mukhang kanina pa sila nandito na nag-uusap. Akala ko iyon na ang sadya nila. Hindi naman pala!

Wala ako sa mood, oo. Sino ba naman ang hindi kung kinulang ka sa tulog?

"By the way, ito na pala yung listahan ko. Kayo na bahala umintindi."

Tinalikuran ko na sila. Masyado akong napaaga dito sa school. Siguro, iidlip na lang muna ako sa room habang wala pang teacher. Kumikirot na kasi ang ulo ko.

Matamlay akong pumasok sa room. Walang Rebeka akong nadatnan. Diretsong subsob ang aking ulo sa arm chair. Ilang saglit pa ay nagpahila na ako sa antok.

Nagising ako nang marinig ko ang sabay-sabay na pagbati ng classmates ko kay ma'am. Namumungay pa ang mata kong lumingon sa katabi. To my surprise, hindi si Rebeka ang nakita. Si Janara na nginitian ako.

"Good morning?"

Tipid kong tinawanan ang pabiro niyang bati. Sa kabilang banda naman ako tumingin. Hindi na ako nagulat nang walang Abil na nakaupo sa tabi ko. Since, nasa tabi ko naman si Janara, kahit papaano ay nag-expect naman ako kahit papaano na nandito rin ang loko.

But, yeah. Who am I kidding? Wala ata sa bokabularyo ng isang 'yon ang i-perfect ang kaniyang attendance.

"Wala siya. May pupuntahan daw."

Hindi na ako nag-side comment sa pahayag ni Janara. Pakialam ko ba kung saan nagpupupunta ang Abil na 'yon. Hindi ko naman siya kargo de konsensya. Pero sana man lang, naisip niyang kahit papaano, may madadamay siyang kaklase kapag patuloy siyang absent. Kawawa groupmates niya.

Sa harap ko na lang pinokus ang atensyon. Sobrang boring talaga ng Math para sa akin. Nag-so-solve si ma'am sa pisara, habang ako'y hikab nang hikab lang dito. Konting galaw lang, matutumba na ako. Limang minuto lang ata pagkakaidlip ko.

Kung sana nandito sa tabi ko si Rebeka, baka hindi ako ganito katamlay at bored. Kaso, kailangan din niyang tumabi sa kagrupo niya.

And speaking of, tinanaw ko ang loka. Baka sakaling mabuhayan ako kahit papaano. At hindi nga ako nagkamali, lihim akong natawa nang magsalubong ang mata namin.

Pinapagitnaan siya ng dalawa niyang kagrupo. Si Tamano at si Ailee, kaibigan ni Janara. Nakailang irap na ang lokaret kong kaibigan sa akin. Paminsan-minsan ring pagme-make face. Gaga talaga!

Our Encounter Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon