"Abnoy! Wala namang comparison na nagaganap, e!" mabilis kong tinampal ang kaniyang balikat. "Pinagsasabi mo d'yan?" I scoffed.
Tinaasan lang niya ako ng kilay. Nag-iwas ako ng tingin at nauna nang maglakad patungo sa loob nila.
Pero agad din akong napabalik nang maalalang wala nga pala ako sa bahay namin. At mas lalong hindi sa amin ang tinatayuan kong bahay ngayon.
"Why stop?"
Mabilis kong inirapan si Abil. Medyo naiinis na ako sa inaasta niya ngayon. Nagiging mapang-trip na siya. I need the old him. Please lang!
"Can you lead the way?" I scoffed in annoyance.
Sinunod naman niya ako. Nauna siyang maglakad pero ang tingin niyang napapabaling sa akin ay nanunuya pa rin.
Kung wala lang talaga kami sa pamamahay nila, naku! Kahit pa pagsisihan ko, talagang makakatikim siya sa akin.
May paanu-ano pa siya kanina. Kesyo gusto sa akin ipamukha na mas mayaman sila kaysa kay Tamano.
Ano nama'ng pake ko do'n? Parang namangha lang sa kaibigan niya, 'kala mo naman talaga may gusto na ako doon.
Luh? Seryoso, si Tamano? No way!
Kahit iyon pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo, ayaw ko pa rin. Totropahin, ayos lang. Pero gugustuhin in a romantic way? Magkamatayan muna!
"Feel at home, dear."
My subconscious thought blew away as I stepped into their living room. My eyes wandered restlessly around the vicinity.
From their high stone ceiling, down to their light tone wood floor. Everything in here looks luxurious. Not to mention their arched grand starcase. Lahat pinagisipan ng mabuti.
Puwede pa ba akong tumapak dito? What the hell!
I cleared my throat and tried to act normal. It's as if nothing is empressive here.
I hemmed and looked at Abil. "Not bad," I shrugged, nonchalantly.
He let out a chuckle and nodded. "I see."
Sumunod ako sa kaniya papasok nang tuluyan. He let me sit on their elongated sofa with a glassy coffee table in the middle.
Pinigilan kong huwag mapanganga nang makita ko ang sobrang lapad na aquarium sa harapan ko. Iba't ibang klase ng isda ang napapaloob. Pati corals na baka nanggaling pa sa dagat.
Baka kako may pating sa sobrang lawak! Singlapad na kasi ng pader nila.
"What do you wanna eat?"
I was lost in revery that I even forgot that Abil is still with me. Again, I cleared my throat and acted normal before turning to him.
"Anything available."
He stared at me for a moment. He was standing in front of me but not enough for him to block their giant and expansive aquarium from my eyesight.
"You can tell me your favorite dishes."
Tinaasan ko siya ng kilay. Halatang kanina pa niya ako niyayabangan. Ano ba'ng mga pagkain na pagkamahal-mahal nang mapasubo naman ang isang 'to?
Hm..
"Hand me your menu," pasosyal kong usal. Pati pagpilantik ko sa aking daliri ay dinamay na rin.
"Right away," he uttered. "Wait here."
Malugod akong tumango. Pinigilan kong huwag matawa nang tinalikuran na niya ako.
BINABASA MO ANG
Our Encounter Again (COMPLETED)
Teen FictionHIGH SCHOOL SWEETHEART SERIES #1 What if you encounter your first love? Stephanie Wilson is the epitome of diligent, empowered, motivated and persistent woman. She gets what she wants. If she wants someone, she'll surely get it. She keeps working t...
