Kabanata 28

57 18 43
                                        






"Totoo ba 'yan?" si papa, kausap si Nero sa phone.

Nakatingin lang ako sa kaniya habang pinapakinggan niya ang kung anumang sinasabi ng aking pinsan sa kabilang linya.

I wanted to phonecall Nero too but I know it's not the right thing to do. Agad kong naiiwas ang tingin ko at pahiyang naiyuko muli ang ulo nang sa amin na ang atensyon ni papa.

"At talagang nagsinungaling ka pa sa 'kin, Stephanie, ha?!"

Nakatungo lang ang aking ulo. Halos dumugo na rin ang labi ko sa sobrang diin ng pagkakakagat ko roon. Kanina pa kami nakatayo rito, sa harap ni papa. Kasama ko si Abil na nagpumilit na pumasok kahit nakailang tulak na ako sa kaniya kanina para pauwiin.

Sadyang makulit siya. He said he was at fault also which I find it okay, somehow.

Sisingsisi ako sa kasinungalingang nagawa. At the same time, I feel embarassed now that Abil is currently hearing my papa's sermon. Kung sana sinabi ko na lang ang totoo na talagang may lalaki kaming makakasama, e 'di hindi kami aabot sa ganito.

Naman, e! Ano ba'ng pumasok sa kukote ko?!

"Ano, Stephanie?!"

Nakayuko kong inilingan si papa. Ayaw kong magsalita. Ngayon pa lang, ramdam ko na ang nagbabarang lalamunan ko. In any moment, I will lie down here and cry until it will shorten my breathing. The only thing that holding me back from it is Abil's still here. Nakakahiya.

"It's my fault po, sir."

Mabilis kong nalingunan si Abil sa kaniyang biglaang pagsasalita. Pinamulagatan ko siya pero nasa kay papa ang kaniyang tingin.

"Kasalanan mo talaga dahil tinuturuan mo ang anak ko na magsinungaling!"

"Hindi po gano'n, pa," agap kong paliwanag kay papa.

Agad rin akong napayuko nang sipatin niya ako. Sinamaan ako ng tingin, tila nagsasabing huwag akong magsalita.

"I'm sorry, sir..."

Gusto ko ulit lingunin si Abil pero mas pinili kong hayaan siyang humingi ng tawad. After all, it was harmless.

I heard my papa sighed. Mayamaya pa ay naramdaman ko ang paglapit niya sa akin. Hinawakan ako sa balikat at muli na naman siyang nagpakawala ng buntong-hininga.

I glanced upward. Nagulat ako nang ngitian niya ako.

"Siya na ba yung sinabi mong ibo-boyfriend mo?"

My eyes automatically widened. "Hindi po," agaran kong iling. "Wala po ako nun."

"Kung ganoon..." aniya. Kay Abil ngayon siya tumungo. "Ano ka niya?"

"I'm courting your daughter, sir," walang lingo-lingon sa akin na sagot ni Abil kay papa.

Nasulyapan ko ang munting pagngiti ni papa, pero agad din niya itong winala nang mapansin ang tingin ko sa kaniya.

My gazes remained on him as he seated on our sofa. Pormal niyang sinimsim ang hindi maubos-ubos niyang kape, pagkatapos ay humalukipkip. Nagmistula siyang isang lawyer na ginigisa ang dalawang kliente, and it happened na kami ni Abil ang dalawang iyon.

Kanina, bago kami pumasok ni Abil dito sa sala, nangangatog ang buong katawan ko sa kadahilanang sermon na puwede kong makuha. Ngayon na mukhang relax naman ang mukha ng aking papa, medyo naibsan din kahit papaano.

"Payag na ako, pero--" he trailed off.

Napaangat ako ng tingin kay papa sa bigla niyang sinabi. Kay Abil nakapukol ang kaniyang mata. Habang ang katabi ko nama'y kahit papaano ay nahimigan ko ang saglit din niyang pagkagulat.

Our Encounter Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon