Kabanata 27

58 18 38
                                        





Yung akala ko, si Abil ang uuwing bigo. Na ako ang mambabasted sa kaniya sa araw na ito. Little did I know, It was really me who would get rejection and it did happen at an unexpected coincidence. Quite contrary to my expectations.

Worst is, it wasn't verbally rejection yet the impact is hefty. Sobrang sakit.

"Pakibaba na muna d'yan," pabulong kong pakiusap kay Abil.

Tumango siya at walang imik na tinigil ang sportbike sa gilid ng kalsada.

Hindi ko alam kung sa bahay ba ang balak niyang tungo namin o sa date na tinutukoy niya kanina. Basta ang alam ko, ayaw ko munang umuwi na ganitong hitsura ang sasalubong kay papa. Kaya pinahinto ko muna siya dito para magpalipas muna ng oras.

Pagkatapos ng ilang minutong pananatili namin sa pinanggalingan, wala ni katiting ang nabawas sa bigat na nararamdaman ko. Muntik ko pang habulin sina Jack kung hindi lang ako pinigilan ni Abil.

Gustuhin ko man pagsasapakin si Jack sa panggo-ghosting niya sa 'kin, ngunit alam ko naman sa sarili na hindi ko 'yon magagawa.

It's a good timing also that Abil didn't let me to. Kapagkuwa'y magmumukha lang akong tanga. Iiyak sa harapan ni Jack habang ang kasama niyang babae ay kaaawaan ako.

"Careful," si Abil.

Suminghot ako at tumango. Maingat akong dumaan sa damuhang lupain hanggang makarating kami sa pinagpatung-patong na malalaking bato sa gitna.

Napapikit ako nang matagumpay namin naakyat ang tuktok ng batuhan. The fresh air coming from the East puffed. Malaya kong niyakap ang sarili kahit hindi naman masyadong malamig.

I can already feel the freedom by just embracing the flow of air. Sumasabay sa alon ang kaninang nagulo kong buhok dahil sa kaiiyak. Ang namamaga kong mata ay naniningkit habang nakatanaw sa malawak na lupain sa harap.

It's almost 3:00 in the afternoon. Hindi ko ramdam ang sikat ng araw dahil sa sumasabay na hangin.

"You feel better?"

Nalingunan ko ang ngayon lang na nagsalita na si Abil. Doon ko lang din napagtanto na sobrang lapit na pala nang pagkakaupo namin. Halos wala nang madaanan ng hangin sa pagitan namin.

"Kinda," ngiti ko sa kaniya.

Tumango lang siya. Parehas na kaming nakatitig ngayon sa kawalan. Pinapakiramdaman ang tahimik na kapaligiran.

Hindi ito kalayuan sa school, at wala kahit isang bahay o building na nakatayo rito. Mukha itong napabayaan na lupa.

I must admit that this is the perfect place for a broken-hearted person like me. Magandang spot din ito para subaybayan ang paglubog ng araw.

"My mama bought this land," Abil suddenly uttered. "Dapat sana papatayuan nila ito ni papa ng mall."

Bahagyang umawang ang bibig ko sa gulat. Nilingon ko siya at napatitig sa kaniya. "Really?"

"Yeah," sagot niya. "But things happened. Hindi natuloy kaya napabayaan."

Dahan-dahan akong napatango. That explains everything. "Kaya naman pala. Sayang naman kung hindi niyo ito mapapakinabangan. Ang lawak, oh!"

Medyo sumisigla na rin ang boses ko. Kaso napapasinghot ako habang tinuturo ang kalawakan ng lupain dahil sa nagbarang ilong.

"About what happened earlier at the court..."

Napatigil ako sa pagiiba niya bigla ng usapan. Tumango ako para sa nalalabi niyang sasabihin.

"I did it on purpose..."

Our Encounter Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon