Kumaripas ako ng takbo papasok sa aking kuwarto. Narinig ko pa ang pagtawag sa akin nina mama, pero nagtuloy-tuloy lang ako sa pagpasok. Diretso kong dinampot ang picture frame ni Jungkook, saka ko ito madramang niyakap.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman. Basta ang alam ko lang, sayang yung ticket.
Ano ba naman ang pumasok sa utak ko para punitin iyon ng gano'n-gano'n na lang? Buwisit!
"I'm so sorry, love," naiiyak kong usap sa picture. "Sorry talaga."
Paulit-ulit ko itong hinalikan bago ko ibalik sa pagkakalatag. Pagkatapos ay muli kong kinausap na akala mo ay masosolusyunan lahat ng problema ko sa pamamagitan nun.
I always do this whenever I want to burst out my inner thoughts about everything. Kakausapin ko lang kahit nagmumukha na akong tanga.
I don't remember when was the first time I did this. Siguro noong naging fan na ako. I don't know.
"Gustong gusto kita makita, alam mo 'yan, 'di ba?" I muttered then heaved a deep sigh. "Sana kahit picture ka lang, gets mo 'ko."
Ulit, niyakap ko ito. Sobra talaga akong nagi-guilty. Labag talaga sa kaloob-looban ko ang pagpunit sa dalawang ticket na iyon.
Matagal ko nang pangarap na makapunta sa concert ng BTS. Nasa harapan ko na mismo kanina ang chance. Ando'n na talaga. Nag-inarte pa talaga ako.
"Alam mo, kasalanan talaga ng Abil na 'yon, e!" inis kong bulyaw. Kausap pa rin ang picture. "Kung hindi lang niya ninakaw ang first kiss ko, e, 'di sana hindi ako nainis."
Pahamak talaga sa buhay ko 'yang Abil na iyan. God! Hindi ko matanggap na minsan na akong nagka-crush sa kaniya.
Ang guwapong nilalang tapos demonyo ang ugali? Tsk. Bagay sila nung Janara nila.
Mali. Walang bagay sa kaniya. Kawawa lang yung babaeng magiging jowa nun. Napakaarogante!
At anong sabi niya? Nagustuhan niya yung halik? Aba!
Buwisit! Buwisit na lalaki!
"Iyon nga ang nangyari," simangot kong kuwento kay Rebeka sa nangyari.
Her eyes widened. "So, you mean..." she paused, covering her mouth with her palm. "Ninakawan ka rin ng halik?!"
Napairap ako. "Ulit ulit? Nasabi ko na, 'di ba?"
Bigla siyang napatayo sa inuupuan. Akala ko kung ano na ang gagawin. Ang loka, magtatatalon lang pala sa tili.
"Huy!" sinaway ko na.
Pinagtitinginan na kasi kami ng ibang nasa mesa. Nasa mall kami ngayon. Sa Tea house. Sinamahan niya akong pumunta rito. Nahirapan pa nga akong kumbinsihin siya dahil ang lokaret, aba! Feel na feel ang pagmukmok sa kanilang bahay.
"Akala ko ba, naiintindihan mo 'ko? Ba't parang kinikilig ka pa?" mataray kong sabi nang kumalma na siya.
Sumimsim muna siya sa kaniyang tsaa. Medyo napangiwi pa matapos niya itong malasahan.
"Pait," saglit niyang komento. "Hindi naman sa kinikilig pero parang gano'n na nga," she giggled again. "You know... Iba pa rin 'pag si Abil na."
Nahimigan ko ang lungkot sa huli niyang sinabi. Sumeryoso ako at taimtim siyang tinitigan.
"How about you? Kamusta ka na?"
She heaved a sigh and took a sip of her tea again. Pursing her lips, she glanced upward to meet my gaze.
BINABASA MO ANG
Our Encounter Again (COMPLETED)
Teen FictionHIGH SCHOOL SWEETHEART SERIES #1 What if you encounter your first love? Stephanie Wilson is the epitome of diligent, empowered, motivated and persistent woman. She gets what she wants. If she wants someone, she'll surely get it. She keeps working t...
