Kabanata 15

73 24 67
                                        






Dinala ako ni Abil sa tapat mismo ng Principal's office. Pero bago kami tuluyang pumasok ay tinanong na muna niya ako kung ano ba talaga ang nangyari. I couldn't even speak nor utter a single word. Good thing, he never forced me to.

"For now, take a deep breath and try to relax yourself," he instructed me.

"Damn it! You really look like... fragile," he wrinkled his nose, then tried to wipe my unstoppable tears using his shirt.

Natawa ako sa ayos niya. Tinampal ko na siya. Paano ba naman kasi, ako ang nahihirapan sa ayos niya. Tumitiyad pa kasi siya at hirap na hirap na iabot ang dulo ng kaniyang shirt sa mukha ko.

"I didn't know you care for me," I quipped.

Umayos siya ng tayo at tumikhim. "I just don't have hanky to offer."

I waved my hand, telling him it's okay. Ginawa ko ang kaninang sabi niya na huminga nang malalim. I relaxed myself then took a deep breath again. Nagpaulit-ulit iyon hanggang sa maramdaman kong umayos ayos na ang sarili ko.

Kakatok na sana ako sa pintuan ng opisina, pero nauna na itong buksan ni Abil. Dumistansya ako sa kaniya ng kaunti at binalingan ang hindi pa nakakapansin sa amin na si ma'am principal.

"Good morning po," I politely greeted.

"Oh--"

Natigilan si ma'am principal nang sa amin siya mapatingin. Maybe she was expecting someone else, not us.

"Take a seat! Take a seat!"

I heard Abil hissed at what his mom's sudden shift mood. Nginitian ko na lang ang natataranta nang si ma'am principal.

"Good to see you two," she uttered as we sat in front of her. "What brought you here, by the way?"

She is in her profession. Seryoso na ang kaniyang pananalita kompara kanina na akala mo ay kung sinong tuwang tuwa. Pati ang paraan niya ng kaniyang pagtingin sa amin ay ganoon din, seryoso.

I hemmed, ready to confess everything that happened in lady's room. Abil suggested this as he pulled me out from cr. Mas mabuti raw na una akong magsabi sa mama niya, kaysa kina Janara.

I don't know why he's doing this for me. I presumed it's just a friendly gestures.

"Nagkasabunotan po kami ng kaklase ko," I uttered to ma'am principal. "Biglaan po ang nangyari. Papasok po ako no'n dapat sa room nang hablutin niya ako sa lady's room. Sinampal niya po ako ng dalawang beses kaya hindi na rin ako nakapagpigil," sunod-sunod kong paliwanag.

She nodded but didn't say anything.

"Abil told me to go here and tell you everything. Para daw po kung mapaparusahan man ako ay mababaw lang," I continued.

Napansin ko ang saglit na pagkibot ng labi ni ma'am principal. Nilingon ko ang tahimik na si Abil pero agad ko rin binalik kay ma'am principal ang atensyon.

"I need to ask our guidance councilor's opinion about your case. But before that, I have to hear first the other party's side. Is that clear, Miss Wilson?"

Mabilis akong tumango. "Wala pong problema, ma'am."

She nodded again and beamed. "Is that it?" I nodded. "Okay..." she clapped her hand one time, then gestured the door's way. "You may leave, you two. Sasabihan ko ang adviser niyo kapag may desisyon na."

Tumayo ako. Ganoon din si Abil. "Thank you, ma'am," I bowed.

Abil led the way. Nakasunod lang ako sa kaniya. Pero bago pa kami tuluyang makalabas ay muling nagsalita ang mama niya.

Our Encounter Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon