Kabanata 25

67 19 42
                                        







Mabilis kong tinakbo ang hallway papunta sa malapit na clinic. Hindi ako sure kung talagang doon ang punta ni Abil, pero sana nandoon talaga siya. Baka mamaya, umuwi na pala.

Kung bakit ko ba naman kasi siya nakalimutan?! Ta's ang malala pa, baka na-corny-han sa drama ko kaya walang paalam siyang umalis. Buwisit ka, Honey!

I stopped from running. Nagpahinga muna ako sa nadaanang hagdanan. Saglit kong hinilot ang aking paa, pagkatapos ay nagpatuloy na ulit sa pagtakbo. Luckily, I was still alive when I reached my destination. Sobrang layo. Hindi ko man lang naisipan na mag-tricycle.

Pinahirapan ko pa ang sarili.

I breathed in then released it afterwards. Napagod talaga ako. Sa buong buhay ko, ngayon lang ako napatakbo ng ganitong kalayo at kabilis. Tamad pa naman ako mag-exercise. Ang hirap pala.

Nakipagtitigan ako sa pintuan ng clinic pagkatapos ng ilang minuto. Now, I'm equally compelled to choose two decisions. Eventually, facing the dilemma. Torn between backing out or going in to see Abil inside.

Bigo kong naipikit ang mata. Ngayon ko talaga napagtanto ang kapabayaang nagawa. How did I end up embracing Jack and nodded off Abil?

Paano kung umalis talaga ang isang 'yon dahil ang akala niya, wala na akong balak na samahan siya? Damn. Ano ba'ng ginawa ko?!

I frustratedly and deliberately bumped my head on the door. Kalaunan ay umayos ako ng upo. Sunod na sinuklay ang nagulo ko nang buhok sa katatakbo kanina.

Muli, huminga ako nang malalim. Mas malalim pa kaysa kanina. Kagat-kagat ang aking labi, humawak ako sa seradura ng pintuan at dahan-dahan itong tinulak.

Mas nadiinan ko ang pagkakakagat sa labi nang nagdulot ng kaunting tunog ang pag-awang ng pintuan. Lihim ko itong minumura sa isip.

I paused for a while and gained my composure. Nagdire-diretso na lang ako sa pagpasok. Wala rin naman dahil dinig na ang pagpasok ko. Pisting pintuan. Masira ka sana sa susunod.

Isang staff ang sumalubong sa akin. Nginitian niya ako na agad ko rin sinuklian. She was wearing her usual get up. Puting long-sleeve na tinupi hanggang siko ang manggas. Puti rin na pantalon at sapatos.

"How may I help you, ma'am?" she politely asked, eyeing me from head to foot.

I roamed around my gazes. Apat na hospital beds ang nandito at kada isa ay may nakaharang na puting kurtina.

Binalik ko ang tingin sa harap. I smiled again and slowly scratched my nape.

"Uhm... May napunta ba dito na estudyante? Si Abil. Yung anak ni ma'am principal."

Matagal bago nakasagot ang babae. Ilang saglit pa ay tumango siya.

"Yes, ma'am. Nandito siya," aniya.

Tinalikuran na ako. Sumunod ako sa kaniya. Naramdaman ko na naman ulit ang pagkabalisa habang papalapit kami sa panghuling kama. The other beds were occupied by other students. Ang tahimik ng paligid. Halos marinig ko na ang tambol ng puso ko.

At tumigil na nga kami sa pinakadulong kama. The white curtains blocked its view, so I wasn't pretty sure if Abil was really there, but I chose to not ask the staff.

"Thank you," nagpasalamat na lang ako.

Nginitian lang ako ng babae, sabay talikod at pumunta na sa gilid ng pintuan kung saan ko siya nakasalubong kanina.

Ngayon, mukha akong tanga na nakatayo sa harap ng kurtina. Sinubukan kong makipagtitigan doon, hoping that the curtain was see-through, so I could see whoever the person inside.

Our Encounter Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon