"If you were my first boyfriend, of course, I'd never leave you. Duh! Iyon ay kung ikaw nga."
Iyon ang huling sinabi ko kay Abil bago bumalik ang dalawang magjowa, Rebeka at Tamano. Hindi na rin naman siya nagsalita pagkatapos nun kaya nag-swimming na lang kaming apat.
Nagpaligsahan pa ang dalawang lalaki pagkatapos namin maglaro ng volleyball. Kami naman ni Rebeka ay nagchi-cheer lang sa tabi. Hindi ko inaasahan na may maiibuga naman pala si Tamano. Muntik niya kasing maunahan si Abil sa finish line. And yes, Abil won.
"Saan ba kayo galing ni Tamano kanina, ha?" tanong ko kay Rebeka.
Nasa loob kami ngayon ng isa sa banyo dito sa mansyon. Magpapalit at nag-aayos para makauwi na. Umismid ang loka at 'di na kumibo. Hindi ko na lang pinuna at nagpatuloy ako sa pagsusuklay nang mamasa-masa kong buhok.
I saw her smiled at her reflection then started applying liptint. Dahil nagandahan ako sa kaniya, naisip ko rin na magpalagay.
"Ako na maglalagay sa 'yo," she offered.
I nodded. "Konti lang, ha?"
"Oo. Don't worry."
At sinimulan na niyang lagyan ng liptint ang labi ko. Ako naman ay nakapikit lang. Napangiti ako nang lumapat sa labi ko ang malamig na liptint.
It's really my first time. I wanted to try applying some cosmetics on my face because I also once dreamt about having a dream job. And that is to become a succesful makeup artist. Kaso, sinukuan ko na kasi hindi naman ako maalam.
"There."
Napadilat ako nang tapos na ang bruha. I eyed my reflection and beamed afterwards. Maganda sa pakiramdam at bagay rin sa nipis ng labi ko ang pagkakalagay niya.
"Sana pala dati na akong naglalagay," bigla kong nasabi.
Talagang maganda ang pagkaka-apply ng bruha sa liptint. Nadepina ang hugis ng aking labi. Tamang-tama. Mukhang natural.
"I told you! Dahil d'yan, magkaka-second kiss kayo ni Abil!" she laughed.
Mabilis ko siyang sinuntok sa braso. Napa-aray naman siya pero natawa lang din kalaunan.
"Gaga ka. Huwag mo na nga 'yon ipaalala," tukoy ko sa naging kiss namin ni Abil.
"Bakit ba?" painosente niyang untag.
Inikutan siya ng mata. Sana pala hindi ko na sinabi sa bruhang 'to ang pangyayaring iyon. Kapag kasi may timing, lagi niya iyon binubuhay. Tuloy, lagi rin umiinit ang pisngi ko.
"Basta, huwag na!" tuldok ko sa usapin.
Lumabas na kami ng banyo. Muntik na naman ako manligaw dahil sa daming daanan bago marating ang parking lot na kinaroroonan ng dalawang lalaki.
"Bye! See you tomorrow," Rebeka winked as she slid herself on Tamano's back side.
Kumaway na rin ako sa kaniya at umangkas na sa likuran ni Abil. I suddenly pursed my lips when I noticed Abil's stare to it. He sighed violently and roared the life of engine.
Malapit na kami sa bahay nang itigil niya saglit sa gilid ng kalsada ang sportbike. Kunot ang noo kong bumaling sa kaniya.
"Why?" I asked.
Iniba niya ang kaniyang puwesto. Naka-side view siyang lumingon sa akin. Muli, nakagat ko na naman ang pang-ibabang labi ko nang doon naman ang kaniyang titig.
I can feel the redness of my cheeks. Curse this feeling again!
"Kailan ka pa natutong maglagay ng ganito."
BINABASA MO ANG
Our Encounter Again (COMPLETED)
Dla nastolatkówHIGH SCHOOL SWEETHEART SERIES #1 What if you encounter your first love? Stephanie Wilson is the epitome of diligent, empowered, motivated and persistent woman. She gets what she wants. If she wants someone, she'll surely get it. She keeps working t...
