"Tigilan mo 'ko, Steph! Nag-date pala kayo ta's wala ka man lang pasabi?"
"Sorry na, okay? Ayaw ng tao, e. Inimbitahan lang din naman ako. At ilang beses ko na bang sinabi na hindi 'yon date," ilang ulit kong paliwanag kay Rebeka.
"Ah, basta!" she huffed. "Tampurorot muna ako ngayon sa 'yo. Akala ko naman kung ano nang nagyari sa 'yo. Ayun! Nag-swim swim ka lang pala with him."
Tinawanan ko na lang ang hindi niya matapos-tapos na reklamo. Kahapon pa siya ganiyan. Nakailang paliwanag na ako kung bakit ako nasama kay Abil sa Spring pero ang loka, naninindigan talaga sa sariling spekulasyon.
Sinabi ko nang sinubukan kong pasamahin siya kaso tumanggi si Abil. Who am I to complain? Eh, talagang inimbita lang din naman ako.
Isa pa, noong araw na iyon, talagang gusto kong libangin ang sarili. And I didn't think she could help knowing how she would ask me random questions about what happened.
"Abil mo..."
Mabilis akong napalingon sa pintuan. I glared at Rebeka when Abil was not there.
"Bahala ka na nga d'yan!" tumayo na ako at iniwan siya mag-isa sa cafeteria.
Tatawa-tawa namang sumunod ang loka. Ang bilis lang talaga magbago ng mood niya. Ngayon, nagagawa na niyang mantrip.
"Hindi ka na mabiro!" mabilis niya akong nahabol. Kinurot pa ako sa tagiliran.
Late kaming pumasok sa room. At dahil iyon sa kaniya. Paano, ayaw umalis kanina sa cafeteria kahit nag-bell na.
"Have a safe lunch time, class. Goodbye!"
See? Talagang super late na kami. Kakaupo lang namin at ganoon din ang pag-dismiss ng last period namin ngayong umaga.
I sighed in frustration. Tumayo na ako at muling binitbit ang bag.
"Saan tayo?"
"Kay pinsan muna ako," sagot ko kay Rebeka. She was aking for our lunch's location.
"Si Nero?" she asked. Her eyes twinkled.
"Oo. Hindi ka puwedeng sumama," inunahan ko na. "Sige, bye!"
Nahimgan ko pa ang balak niyang pagmamaktol pero wala rin nagawa nang talikuran ko na.
Pumara ako ng tricycle papuntang annex. Bumaba ako sa 'di kalayuan ng building ni pinsan.
Buo na ang isip ko. Kakausapin ko siya tungkol kay Jack. Ilang araw ko rin itong pinlano. Ngayon lang talaga ako nagkaroon ng sapat na lakas ng loob.
Sasabihin ko na ang lahat-lahat tungkol sa amin ni Jack. Nang sa ganoon ay masagot na lahat ng bumabagabag sa utak ko. Maski ang naging iskandalo sa cr noong isang araw. I know he was worried about it, too.
The cat-fight got spread all over the campus. Ayun kay Rebeka, pinagusapan talaga kami ni Janara noong araw na iyon. Wala akong ideya kasi siyempre, katulad ng sabi niya na pa-swim swim lang ako with Abil.
And speaking of Abil, hindi na siya nagpakita sa campus. Not a surprise anymore. Wala namang bago roon. Lagi naman talaga 'yon wala.
Si Janara? Ayon at sila pa ni Ailee ang humingi ng tawad sa akin. Nabigyan din sila ng punishment kasi kusang inamin ni Ailee na sila naman talaga ang nanguna. Natawa pa ako nang ibalita sa akin 'yan ng Guidance councilor. I mean, as in? Ailee did that? Paano naman ang bestfriend niyang si Janara?
Oh, well. Wala na akong pakialam doon. Case solved. Ang dapat kong problemahin ngayon ay ang mahaba-habang paliwanag ko kay pinsan.
"Nero!"
BINABASA MO ANG
Our Encounter Again (COMPLETED)
Teen FictionHIGH SCHOOL SWEETHEART SERIES #1 What if you encounter your first love? Stephanie Wilson is the epitome of diligent, empowered, motivated and persistent woman. She gets what she wants. If she wants someone, she'll surely get it. She keeps working t...
