Kabanata 21

65 20 35
                                    





"The fudge he just said?!"

I trampled my feet when I realized all the words that Abil fired back at me. I know, I already vowed that I should be more patient when it comes to him, but damn! Ang sakit na niyang magsalita.

Padabog akong lumabas. I roamed around the vicinity but no trace of him was found.

Ang bilis naman 'ata ng isang iyon?!

Suddenly, my hunger stomach growled in an instant. It's the least of my concern but heck with this. Nagugutom talaga ako!

Bumalik ako sa loob. Naalala kong may binilin pala ang demonyong iyon sa babae kanina. Kahit yung pagkain na lang sana ang magandang mangyari sa araw na ito. Pagkatapos nun, uuwi na ako.

"Thank you," sabi ko sa babae pagkalapag niya ng tray sa lamesa.

Dahil sa gutom at inis na rin sa nangyari ay hindi ko na na-appreciate ang lasa ng mga hinandang pagkain.

Umuwi agad ako pagkatapos. Wala si papa pagkarating ko sa bahay. Dinampot ko ang aking phone at tinawagan ang magaling kong pinsan.

Buo na ang desisyon ko. Isusumbong ko kay Nero ang ginawa ng buwisit na Abil na 'yon! Para saan pa't nagkaroon ako ng pinsang lalaki kung hindi rin naman ako magagawang protektahan.

Abil should taste the consequences of his action. Dapat lang! Ngayon, naiintindihan ko na ang pinanghuhugutan ng lokaret kong kaibigan.

We're now in the same situation. Our first kiss got stole by someone we don't really love.

"Hello, pinsan?"

Nakagat ko ang labi ko. I got up from my bed then went to my study table. Pinaglaruan ko ang picture frame ni Jungkook habang naghihintay ng sagot sa kabilang linya.

"Pinsan, hello?" I repeated.

Kanina pa ako naghihintay pero walang nagsasalita. I checked the number and it was right.

"Pinsan?" tawag ko ulit kay Nero.

Lumipas ang ilang segundo bago ako nakarinig ng buntong hininga.

"Stephanie, iha. Ikaw ba 'yan?"

Boses ni tita, mama ni Nero.

I cleared my thought and straightened my posture. "Ikaw pala, tita. Si Nero po?"

She sighed again. Kinabahan ako ng konti dahil doon. Nilapit ko pa lalo sa tainga ang aking phone.

"He's sick, iha. Nagpaulan kasi kahapon. Mamaya ka na lang tumawag kung importante iyan. Natutulog pa kasi siya."

"Ah..." napatango ako. "It's not that important naman po. Kakamustahin ko lang sana."

She hemmed. "Pasensya na, iha. Kailangan ko nang ibaba ito. May pupuntahan pa kasi ako."

"Sige po. Wala pong problema."

The call ended. Bumalik na lang ako sa kama at matamlay na humilata. I fiddled my phone and started scrolling my contact lists. I stopped at Jack's name.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko para pindutin ang convo namin. Nag-scroll ulit ako sa pinakasimula ng chat namin. Tinigilan ko na nang maramdaman ko ang pagbigat ng dibdib ko.

Still. It affects me.

Pumikit ako. Pinakiramdaman ko ang sarili. I breathed in and out after I succeeded calming myself-- my heart as well.

Hindi pa nakakaisang minuto nang makarinig ako ng katok galing sa pintuan. Tumayo ako at binuksan ito.

"Oh, pa?"

Our Encounter Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon