Chapter 8

50 3 1
                                    

First time

Ilang linggo na simula nang nangyari iyon. Hindi ko na ulit nakita si Isaac. Si Jacob naman ay malamig ang pakikitungo sa akin. I know I did something wrong to him pero hindi pa pwedeng pabayaan niya muna ako?

Napabuntunghininga ako.

I looked at my phone again, doubting whether I would call him or not. I don't know but I can't let him get mad at me. Of course, he has become my friend and I also get hurt when he ignores me. Umiling na lang ako at lumabas ng kwarto. Akmang pupunta ako ng kusina nnag narinig kong may sumisigaw sa loob ng kwarto nila Mama at Papa.

Lumapit naman ako duon.

"Pa? Ma? Ano—" naputol ang sasabihin ko ng marinig kong umiiyak si Mama.

"Ano ba naman iyan Carter! Alam kong may sinusweldo ka pero bakit mo nagawa iyan?! Hirap na ako sa office at pag waitress tapos malalaman ko na sumusugal ka sa casino?!" rinig kong galit na sabi ni Mama. Napahinto ako sa katabi ng pintuan nila. Napaawang ang labi ko sa narinig. Nag we-waitress si Mama? Casino?

"It's not my fault, Isabella. Gusto ko lang namang mag enjoy kahit sandali—"

"Enjoy?! You want to enjoy in this situation? Alam mo bang hindi pa nakakabayad ng matrikula si Flair?! Tapos si Cassie hindi na nakikinig at nag tatrabaho pa rin? Anong gusto mo mag enjoy na lang at hayaan ang mga bata?!"

"Calm down, I'll fix this don't worry."

"Wala na tayong pera! Nagkanda utang utang na rin ako, Carter! Ikaw ang humanap ng paraan sa isang milyong utang mo! Naiintindihan mo?!" kumikirot ang puso ko sa narinig.

Mabilis na umalis ako sa harap ng kwarto nila at nakita kong nakatayo si Ate Flair at nakatingin sa akin. Hindi ko ito pinansin at dali-daling pumasok sa kwarto ko.

Utang? Isang milyon? Napatulala ako sa nalaman. Nag casino si Papa at baón na kami ng utang nang hindi namin alam? Then they’ll say I don’t have to work?!

Tumingin ako sa phone ko nang nakita kong umilaw ito. Jacob's calling. Nagdadalawang isip man ay sinagot ko na din.

"H-hello?" Marahan ang boses ko.

"Cassie." Hindi ko alam pero naging panatag ako nang marinig ko ang boses niya.

Pinilit kong ngumiti at inayos ang boses.

"Jacob? S-sorry nga pala sa nasabi ko noong nakaraan. Kung ano-anong sinabi ko at hindi ko na naisip ang mararamdaman mo. I know you just want to protect me. Sorry talaga." rinig mo ang pagsisisi sa boses ko.

"Okay ka lang ba?" biglang tanong nito.

"Ha?"

"Papunta na ako riyan, maghanda ka." and he ended the call. Hindi ko man alam pero naghanda pa rin ako.

Mas gugustuhin ko pang umalis kaysa maisip nang maisip ang mga narinig ko.  Ang laki pala ng problema namin hindi namin alam, paano ang baon ng mga kapatid ko? paano yung pambayad sa tuition fee ni Ate Flair?

I bit my lower lips as I face the mirror. Halata mong umiyak ako dahil mapula ang ilong ko at medyo mapula rin ang mata ko halatang galing sa pag iyak. I applied concealer to my eyes and powdered. I also applied a little lip tint to cover my pale lips. I wore a white t-shirt and faded jeans. Paglabas ko ng kwarto walang tao sa kusina at sa sala kaya dumiretso na ako sa labas. Hindi ko naman kailangang magpaalam kasi alam ko magagalit nanaman sila.

Paglabas ko ay nakita kong nakaparada ang sasakyan ni Jacob. Nakahilig din siya sa hamba ng sasakyan niya, hinihintay ako. He's wearing a grey shirt and jeans.

Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon