Let's go back
Nasa labas pa lang ako ay nakikita ko na si Mama, Lola Adelaida, Ate Flair, Eclipse, Nadine at Rufina na mga nakatingin sa akin. Napangiwi ako.
"Ma," kinakabahang ani ko. Walang emosyon itong nakatingin sa akin.
"Mag-usap tayo sa taas," malamig na anito sabay akyat sa taas. Napatingin ako kay Lola Adelaida na nakangusong nakatingin sa akin. Nginitian ako nito at tumango bago sumunod kay Mama.
Si Ate Flair naman ay may kislap ang matang nakatingin sa akin. My eyes widened.
"Ate Flair, I saw you with Vincent last night—"
"Sumunod ka na lang kay Mama." putol nito sa akin sabay ngisi.
"Why were you with him?" tanong ko.
Inismidan ako nito at hindi pinansin. Nakita kong umikot ang mata ni Nadine at Rufina kay Ate Flair na nagpatawa sa akin pero nang maalala ko kung bakit kailangan kong umakyat ay napangiwi ako.
"Tsk," si Eclipse. Napatingin ako dito pero napailing lang ito sa akin at walang sabing umalis.
"Baby Eclipse! What are you doing?!" sigaw ko dito. Inis na tiningnan ako nito samantalang natawa ako sa mukha nito.
"Why are you with Charles? And I'm not a baby..." malamig na tanong nito. Lumuwa ang mata namin sa tanong nito.
"Ay bastos na bata!" sabay na sabi namin ni Ate Flair.
We glared at him but he just gave us a bored look.
"It's Kuya Charles, Eclipse. Mas matanda sa'yo ang tao." sabi ko dito pero hindi ako nito pinansin.
"But I don't like him..." malamig ang tono nito.
Nilakihan ko ito ng mata.
"Eclipse!" saway namin dito. Ngumuso ito at mabilis tumalikod. Napailing-iling na lang kami.
"Parang mas matanda pa sa'kin si Eclipse ha?" hindi makapaniwalang sabi ni Nadine.
Nilingon ito ni Rufina at pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa.
"Ang liit mo raw kasi."
Hinampas ito ni Nadine.
"Mas matangkad ako sa kan'ya!"
"Ng one inch," pang-aasar pa ni Rufina.
Napailing-iling na lang ako at umakyat na habang nagpapatuloy pa rin sila sa pag aasaran.
Nang makarating ako sa harap ng library ay huminga ako ng malalim. Sana naman ay hindi ako hampasin ni Mama. Kinakabahang binuksan ko ang pintuan at nakita kong nakaupo sa mahabang mesa si Lola Adelaida at si Mama dahil sumunod din si Lola. Pinapaligiran ito ng mga nagtataasang book shelves.
Nakuha ko ang atensiyon nila at sabay silang tumingin sa gawi ko. Naglakad naman ako sa kanila habang ang kamay ay nasa likod.
"Sit down," ani Lola Adelaida. Ngumiti ako dito ng pilit.
"So what happened?" parang tsismosang sabi ni Lola Adelaida. Walang kapormalan sa boses nito at parang excited pa na magkuwento ako.
Napangiwi ako.
"Mamá!" si Mama.
Lumingon dito si Lola Adelaida. "What? I'm asking her. Huwag mo kasing takutin ang bata Isabela." sabi naman nito.
"She's not a child anymore!"
"Shh, quiet." sabi ni Lola Adelaida at tumingin sa akin naghihintay sa sasabihin ko.
BINABASA MO ANG
Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)
Teen FictionRule #1: never beg for love- Cassie Jane Cruzado is a simple smart woman. She only does one thing: chasing the wrong person. Her friend always tells her that someone is interested in her, but that is not her main focus. She was only interested in Is...