Happiest
"I'll miss you, nakakainis ka naman kasi eh!" sabi nito nang nagpaalam na ako na uuwi. Nandito kami sa labas ng restaurant at nakasandal siya sa sasakyan niya.
I chuckled.
"Magkikita pa tayo, Carla. Enjoy mo na lang na kasama si Lawrence and please, bumalik ka na walang laman ang tiyan mo." babala ko dito. Namilog ang mata nito at hinampas ako.
"Aray! Mapanakit ka na," sabi ko pero nginisihan ako nito at maya maya ay tumingin siya sa likod ko, tinuro niya ito gamit ang nguso.
"Bye na! May naghihintay pala sa'yo, kainis ito!" my eyes furrowed.
Tiningnan ko ang likod ko at namilog ang mata ko nang makita ko si Jacob na nakasandal sa sasakyan niya habang nakatingin sa akin. He's wearing a white tee-shirt and faded jeans. Naka boots din ito na parang model.
Hinarap ko ulit si Carla at kita ko ang mapanuksong mata niya.
"May pagsundo? Sabihan mo ako kapag sinagot mo na, okay?"
Umiwas ako ng tingin. Okay, I'm guilty. I bit my lower lips as I stared at her. Kita kong naguguluhan siya sa inasta ko. Maya-maya ay tila nag sink in sa kaniya ang kinikilos ko at namilog ang mata nito. Pabalik balik ang tingin niya sa amin ni Jacob. She moved her mouth open and closed as though she wanted to say something, but nothing came out.
"K-kami na," lalong namilog ang mata nito.
"Sorry, sasabihin ko sana sa'yo kaya lang masyado kang excited kanina. Kagabi ko lang naman siya sinagot—" naputol ang sasabihin ko ng umirit ito at niyakap ako.
"Oh my gosh, oh my gosh! Thank God! Kailangan nating mag celebrate! Oh my gosh, hindi ako makapaniwala!" naghehesterikal na sabi nito. Tumingin ito kay Jacob at ngumisi.
"In fairness, nakuha mo ang loob ni Cassie! Congratulations! Ang wish ko ay sana magtagal kayo. Huwag muna kayong mamatay at gumawa kayo ng maraming baby sa future!" nag-init ang pisngi ko sa sinabi nito. Tiningnan ako lalo nito nang may pang-aasar. Kailan pa naging liberated si Carla? Napailing na lang ako sa kaibigan ko, halata mo sa kaniya ang saya.
"Oh my gosh! Kinikilig ka, Cass?! Ang saya ko para sa inyo!" She drew me closer to Jacob, who simply smirked and guided me in this direction. I glared at her, but all she did was smirk.
"Bye na! Sa susunod na lang pala ang celebration! Ingatan mo 'yang kaibigan ko, Jacob." sabi nito bago tumalikod sa amin at iniwan kami. Mabilis itong sumakay sa sasakyan niya at pinaharurot.
Kumurap kurap muna ako bago humarap kay Jacob.
"What was that? Nabaliw na si Carla," natatawa kong sabi dito. Tumawa din ito at tumango. Pinagbuksan ako nito ng pinto at pumasok naman ako.
Pagpasok niya sa driver's seat ay napatingin siya sa seatbelt. Dali-dali ko naman itong sinuot.
"How did you know we were here?" tanong ko nang makapasok siya sa loob.
"I saw you, malapit lang dito ang company." sabi nito.
Napatango naman ako. Dito sa center ng City na ito ay dikit dikit ang mga Company. Few meters away, ibang compay naman. Tapos may mga restaurant na nagkakalat dito.
"Do you have any plan today?" tanong niya.
"Wala naman, pero uuwi na ako. Kailangan ko pang bantayan ang mga bata. Ate Flair still needs to review, she's graduating."
Tumango tango naman ito. Nabigla ako nang hawakan niya ang kamay ko ay pinagsiklop ito sa kaniya. Nag-init ang pisngi ko.
"What?" nakangisi nitong tanong. Umiwas ako ng tingin at umiling.
![](https://img.wattpad.com/cover/251244167-288-k751888.jpg)
BINABASA MO ANG
Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)
Teen FictionRule #1: never beg for love- Cassie Jane Cruzado is a simple smart woman. She only does one thing: chasing the wrong person. Her friend always tells her that someone is interested in her, but that is not her main focus. She was only interested in Is...