Chapter 2

135 2 0
                                    

Encounter

Malakas na beep ng sasakyan ang nagpabalik ng huwisyo sa akin.

"Miss! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo, kapag nasagasaan ka, kargo ko pa!" Sigaw ng driver ng van. Tumingin naman ako dito ng may pag-umanhin.

"Sorry po, pasensiya na." Pagpapaumanhin ko at tumabi sa kalsada. Kanina pagkatapos kong maglinis ng buong bahay ay naglakad lakad lang ako kasama si Whitey, my dog.

Tinabi ko rin siya at nagpatuloy na ang driver. Nagpatuloy na rin ako sa paglalakad sa village namin. Hindi naman ako palaging nagagawi rito sa sobrang busy sa school.

"Cassie! What's up?" I held my chest in shock. I looked behind me and was surprised to see one of my classmates.

"Sorry, nagulat yata kita." Natawa ito habang kinakamot ang noo. Hindi sa kaniya napunta ang atensiyon ko kundi sa asong dala-dala niya. Tiningnan ko ito at lumuhod upang magpantay kami.

"Hello, how old is he?" I asked him. Kunwaring nasaktan ito at hinawakan ang dibdib niya.

"Ouch ha, mas nauna mo pa siyang batiin. She's 4 years-old." Sagot niya. Oh, babae pala siya.

I caressed his dog again.

"She's Blackey," dagdag nito. Lumawak ang ngiti ko kasi ang cute ng aso niya! Contrary sa pangalan niya, sobrang lambot ng puti niyang katawan.

"Hi, Blackey. Magkalapit pala sila ng name ng aso ko. His name is Whitey." Sabi ko.

"Woah, I see." Tiningnan ko ang itsura niya. He's wearing a sando and khaki shorts.

"What are you doing here, near in my village, Jacob?" I asked him.

He smirked. Tila hindi niya akalaing kakausapin ko siya. Gusto ko sanang i-defend ang sarili ko na hindi naman ako ang tipong hindi kumakausap ng iba.

"Nakatira rin ako rito." Sabi niya na ikinagulat ko pero kalaunan ay napatango ako. He's also my classmates and he's a playboy. Most of my classmates said he is that kind of man.

"You were absent yesterday." Sabi ko at nagsimula na akong maglakad at sumunod naman siya.

"Oo, In fairness alam mo." mapaglarong aniya.

Natawa ako.

"Yeah, I always read our attendance." napahinto siya sa paglalakad at humarap sa akin.

"What? For real?"

I nodded.

"What the- oo nga pala, isa ka ngang genius hashtag weird, not shocked." he mumbled. I smiled, well I'm not offended. Sanay na akong sabihan ng ganiyan, na I'm weird or something.

Habang naglalakad at nag-uusap kami ng kung ano-ano, biglang natanggal ang pagkakatali ng buhok ko. I tried to fix it but I couldn't because of Whitey's rope.

Bigla na lang hinawakan niya ang tali ng aso ko at kinuha ito sa akin. Pinagmasdan ko lang naman siya at dali daling inayos ang magulo kong buhok at ang glasses ko.

"Thanks." sabi ko pagkatapos kong makuha si Whitey sa kaniya.

"May bayad iyan, wala ng free ngayon." tumatawang aniya.

Napakunot ako ng noo.

"How much?" I asked hesitantly and he laughed out loud. "Hala, seryoso ako." Sabi ko na nagpahinto sa kaniya sa pagtawa but he couldn't help to smile.

"It was a joke, Cass." sagot niya.

Tinitigan ko siya sandali.

He's not mean as everyone says. He's also sincere, there's nothing wrong with him. Why is everyone saying that he's a weird and a playboy?

Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon