Chapter 18

41 1 0
                                    

Kisses

Bumuhos ang pait sa sistema ko na pilit kong pinipigilan. Kaibigan niya lang naman iyon at natural na mag-aala siya. Even if Nicholas were like that, I would be worried about him. May tumakas na luha sa mga mata ko. Mabilis ko itong pinunasan at naglakad sa restroom.

Pagkatapos ay dumiretso na ako sa elevator pababa. I'm not going back there, baka lalong magalit ang parents ni Jacob sa'kin. I really don't understand why she doesn't like me, because I'm not rich like them? O baka may dahilan pa. Hindi naman ako maninira ng relasyon dahil alam kong ikakasal ni si Jacob. Mapait akong napangiti.

His family broke my heart just as soon as my heart fell for him. Is being poor a sin? Is a person's state of life the basis for such a thing?

Paglabas ko ay dire-diretso ang lakad ko. Habang naglalakad ako ay hindi ko sinasadyang may nakabunggo ako. Nalaglag ang mga dala nito kaya dali dali nitong pinulot.

"S-sorry!" sabi ko dito. Tinulungan ko na din siya sa pagkuha ng gamit niya at parang familiar ito. We both stood up and exchanged glances. Both of our eyes opened in surprise.

My jaw dropped.

I didn't think I'd see him here. How long has it been since the last time I saw him? I'm holding back tears, nagsimulang lumabo ang paningin ko. My heart ached for him, and I missed him terribly.

"P-papa?" kita ko rin sa mukha niya ang gulat. Pinagmasdan ko siya. He was dressed in a white tee-shirt and pants. You'll notice that he has a slimmer appearance, as well as dark circles under his eyes. Hindi ako sanay na makita siyang walang dalang backpack.

"Cassie?"

Gulat itong tumingin sa akin.

"Pa! Saan ka galing? Hinahanap ka ni Mama! Anong nagyari sa'yo? Uuuwi ka na po ba? Hinahanap ka na nila Rufina, Pa!" hindi ko mapigilang lumuha habang nakatingin sa kaniya. Ibang iba na ang itsura niya simula noong huli naming kita. Medyo madumi pa ang tee-shirt niya at gusot gusot ang buhok.

Nanatili siyang nakatayo at hindi nagsasalita. Nakita kong bumaling siya sa loob ng ospital at sa lugar kung nasaan kami.

"Why are you here?" he asked.

"May dinalaw po, kayo po? Malapit ba rito ang workplace mo? Kumusta ka na po? O-okay ka lang ba, Pa?" my voice had shattered.

My eyes welled up with tears and I couldn't help them. I never expected to see my father again. I can sense how much he's keeping something from us. I'm worried! Hindi ko na pinansin ang ilang taong nakatingin sa amin.

"A-anak," mas lalo akong naiyak. I missed him so much lalo na ngayong unang beses niya akong tinawag na 'anak'. Hindi ko na napigilang yakapin siya. Sumubsob ako sa dibdib niya at duon umiyak.

"P-papa. Umuwi ka na po, p-please. Miss na miss ka na ng mga kapatid ko, miss ka na namin, let's go home,"

Nakikita kong may namumuong luha sa gilid ng mga mata niya. Malungkot siyang ngumiti sa akin. Parang ang dami niyang gustong sabihin pero wala na siyang oras dahil nagmamadali siya. Hinawakan niya ang magkabila kong balikat.

"I'm sorry, anak. Sa lahat ng nasabi ko sa'yo, don't be mad at me. I am so proud of your accomplishments. Really, really proud. Hindi ko man naiparamdam sa'yo ang pagmamahal bilang ama, believe me, mahal na mahal kita. Mahal na mahal ko kayo ng Mama mo at ng mga kapatid mo." kumawala ang hikbi sa labi ko.

"Kung ganoon ay umuwi ka na po! Miss ka na po ni Mama p-pati nila Eclipse. May trabaho ka pa po ba dito? Kailan po iyon matatapos?"

Malungkot siyang ngumiti. "H-hindi ko alam, anak. Hindi na yata matatapos iyon." tila iba ang ibig-sabihin nito. Umiwas ito ng tingin sa akin. Sumubsob ako sa dibdib niya at niyakap siya ng mahigpit.

Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon