Chapter 25

37 1 0
                                    

Mourn

Life is truly unfair. You never know what is going to happen next, and you can't go back in time. There are moments when we want to disappear without worrying about what will happen to our family. We also have desires that we are unable to fulfill. We can't always prevent things from happening. They are right; you can only see a person's worth when they are gone.

Mabilis kaming umakyat sa room. Tinulungan ako ni Jacob na mag-impake. Tuloy-tuloy lang na umaagos ang luha ko habang nanginginig pa ang kamay ko. Pilit kong tinatatagan ang loob at hindi naniniwala sa sinabi ni Ate.

Hind totoo iyon, siguro nasugod lang sa hospital si Papa at akala ni Ate ay.. Napailing ako. Hindi, wala namang mangyayari kay Papa!

Mabilis kaming natapos sa pag-iimpake. Namalayan ko na lang na nasa eroplano na kami pabalik ng Maynila. Namumugto ang mata ko at puno ito ng luha. Hindi ako mapakali at pilit tinatagan ang sarili. Bakit ang tagal ng oras!

"I'm here, babe. Be strong, I love you." he whispered.

Hindi ko mapigilang mapahikbi at yumakap sa kaniya. Sumubsob ako sa dibdib ni Jacob at duon binuhos ang sakit. Bakit naman ganito? Hindi ba ako pwedeng maging masaya?

Paglabas namin ng airport ay may naghihintay sa aming sasakyan. Napatingin ako kay Jacob at nginitian ako nito.

"I called our family driver," sabi nito. Tumango lang ako at mabilis na pumasok sa backseat kasama si Jacob.

"Sir, saan po tayo?" tanong ng driver kay Jacob.

Bumaling sa akin si Jacob.

"S-sa bahay na lang muna, hindi ko alam kung saang hospital dinala si Papa," mahinang sabi ko. He nodded.

Sinabi niya naman sa driver ang address namin and he hugged me. Habang nasa byahe ay hindi ako mapakali. Bakit? Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Kaya ba hindi sila umuuwi? Akala ko ay nagtatrabaho sila para sa utang ni Papa na one million!

Pagdating namin sa bahay ay mabilis akong bumaba sa sasakyan. Tuloy-tuloy akong pumasok sa bahay pero napahinto ako nang makita kong si Rufina at Eclipse lang ang nasa sala at umiiyak. Nakagat ko ang pang-ibabang labi.

Napabaling si Rufina sa akin at kita ko ang mukha niyang puno ng luha.

"A-ate," umiiyak na sabi nito. I approached them without hesitation and hugged them. Rufina sobbed harder on my shoulder, and I couldn't stop myself from crying.

"A-ate si Papa, Wala na si P-papa ate. A-anong nangyayari?" humihikbing sabi nito.

Mariin akong napapikit habang umaagos ang luha sa mga mata. Kumikirot ang puso ko at hindi ko na alam kung anong paniniwalaan ko.

Mabilis kong hinarap si Rufina. "N-nasaang hospital daw sila?"

"Narinig ko si Ate Flair na s-sa Castillo Medical Hospital daw," mabilis akong tumango at iginiya sila patayo.

Nakita ko namang nasa hamba ng pinto si Jacob na hihintay kami.

"Let's go," sabi nito at iginiya papasok sa loob sina Eclipse na tahimik lang.

"B-bakit ate? Anong nangyayari? Totoo ba na w-wala na si Papa? Si Ate Flair mabilis umalis nang tumawag si Mama tapos..tapos," hindi nito matapos ang sinasabi dahil sa paghikbi.

Niyakap ko ito. I didn't pay attention to the lump in my throat. It pains me to see this happening to us.

"Tapos sabi niya..sabi niya wala na raw si Papa! Hindi ako naniniwala! Hindi pa ako nahahatid ni Papa sa stage!" umiiyak na sabi nito.

Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon