Let's go home
Kinaumagahan, katulad nga ng sinabi ni Jacob, sinundo niya ako sa bahay dahil sa lakad namin. Medyo na late ako ng gising dahil anong oras na rin natapos ang party kagabi at hindi rin ako makatulog nang maayos sa nangyari. Uminit ang pisngi ko nang naalala ko ang nangyayari kagabi. That was my first kiss and I just gave it to him! I didn't regret it, though.
Pinilig ko ang ulo ko.
I'm wearing a purple crop top, a skirt below the knee, purple doll shoes, and a white cross bag. Namataan ko si Jacob na nakahilig sa kaniyang sasakyan. He was dressed in gray trousers and a light-blue long-sleeved shirt folded at the elbow. Ibang sasakyan naman ang dala niya ngayon.
"Happy birthday." bati ko dito. Namilog ang mata nito at tila hindi makapaniwala sa narinig niya. Ilang segundo pa siyang nakatitig sa akin.
I chuckled. "You alright?"
Kumurap kurap ito at kalaunan ngumisi.
"I thought you don't know." akusa nito. Napailing ako. Pinag buksan ang pintuan kaya pumasok ako. Patakbo naman siyang pupunta sa driver seat at pumasok.
Oo, isang araw lang ang pagitan ng birthday nila ni Isaac.
Nanatili lang naman akong tahimik habang nakangiti. Siguro hindi niya inaakala na maalala ko na ngayon ang birthday niya. Noong nakaraan kasi hindi niya naman sinasabi sa amin at nag-celebrate lang siya kasama ang family niya. Simpleng dinner lang dahil ayaw niya daw ng magarbo. Naiintindihan ko naman iyon, dapat sa special na araw ay kasama niya ang mahal niya sa buhay.
"Thanks." nakangiti nitong sabi. Natawa naman ako. Wala pa akong gift sa kaniya. Kaya siguro niyaya niya rin ako.
"Wala pa akong gift, sorry." sabi ko dito. Bumaling siya sa akin at ngumiti pero hindi umabot sa mata niya.
"It's alright, at least you remember." sabi nito. Nakonsensya naman ako. Hindi ko na din kasi alam kung anong ibibigay ko sa kanya. Mayaman siya, nasa kaniya na ang lahat. Though, I will still give him a gift.
Hindi tumagal ang byahe namin. Pumunta muna kami sa isang restaurant. Hindi pa kami pareho nag breakfast at kumain daw muna kami bago pumunta sa pupuntahan namin. I honestly don't have any idea where we are going but I trust him.
Napangiti ako.
Dati hindi naman ako ganito, what changed Cassie?
Maybe I know the reason I just don't want to admit it. Naupo kami sa isang mamahaling restaurant na napili niya. Pinigilan ko pa nga siya nang makita kung gaano kamahal dito pero tinanggihan niya.
"Please, Cass? Birthday ko naman ngayon," nagpapaawa nitong sabi. Ngumuso ako at unti-unting tumango. I saw him grinned.
"See, hindi mo 'ko matatanggihan." mayabang na sabi nito.
"Okay lang, birthday mo naman. Ngayon lang 'to."
"Bakit ba ayaw mong dalhin kita sa restaurant, this isn't bad at all." rason niya. I sighed and looked at him intently.
"I'm not rich. I don't want you to have to pay for me all of the time, lalo na galing pa rin sa parents mo ang pera ml." marahan kong sabi.
Umigting ang panga niya at madilim na nakatingin sa akin. Tinignan ko lang naman siya. Bakit? Mali ba ako? Hindi naman talaga siya nag tatrabaho and I doubt that he has his own money. Ayaw ko na gumagastos siya sa ibang tao gamit ang pera ng magulang niya.
"You think I'll date you if I don't have my own money? Ganiyan ba ang tingin mo, Cassie? Na sa parents ko pa rin ako umaasa?" may pait sa boses nito at madilim ang mata. Nakatingin siya sa akin habang hinihintay ang sagot ko. Nagtatago ang iba't-ibang emosyon na hindi mapangalanan. Napatungo ako.
BINABASA MO ANG
Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)
Teen FictionRule #1: never beg for love- Cassie Jane Cruzado is a simple smart woman. She only does one thing: chasing the wrong person. Her friend always tells her that someone is interested in her, but that is not her main focus. She was only interested in Is...