Epilogue

122 3 0
                                    

Ending-Chase

"Congratulations, newly-wed!" sabay-sabay na sabi nila at sinabuyan kami ng iba't-ibang bulaklak.

Napangiti ako. Kahit hindi pa kami masyadong maayos ng Mama ni Cass, ay nandito pa rin ang pamilya nila. Nakangiti at tahimik na nagmamasid sa amin.

"Congratulations, Cassie!" si Pamela.

"Congratulations, Jacob and Cassie!" si Cristine. Tumango kami sa mga ito at ngumiti.

"Congratulations!"

Habang pinapapaulanan nila kami ng bati, hindi ko mapigilang magbalik-tanaw sa mga nangyari sa amin ni Cass.

Naglalakad ako sa hallway nang makita kong ang isang babae ay pinagtatawanan habang nakayuko itong naglalakad. Lumapit ako saglit dito. I'm not really interested in what's going on here because everyone knows I'm a weird playboy, but she got my attention.

Seriously?

"Man, what are you doing? Sinong sinisilip mo d'yan?" si Eliakim, habang may panunuksong nakatingin sa akin.

"Nothing," I answered and shrugged my shoulder.

I was about to leave but his eyes widened as he looked at me.

"Crush mo? That's Cassie Cruzado, section one. Matalino pero ang weird daw," sabi nito. Tumaas ang kilay ko at tumingin dito.

"How did you know?"

He laughed.

"Man, she's my classmates. Besides, matalino din naman ako." naiiling na sabi nito.

Hindi halata.

"But I bet, she doesn't know me. Walang pakialam iyan e," dagdag pa nito sa akin bago ako iniwan.

Simula noon ay palagi ko na siyang sinusundan. She's really pretty, iyan ang nakikita ko sa kaniya. Even though she wears glasses and conceals the freckles on her face, she is stunning.

I muttered some curses.

I can't stop thinking about her.

"I'm leaving man, hindi na ako dito mag-aaral." si Eliakim. Nandito kami sa may bench at may nag P-PE class ngayon sa harapan namin.

"Man!"

Napatingin ako dito.

"What?"

Hindi ito makapaniwalang tumingin sa akin. Lumipat ang tingin nito sa babaeng nasa gilid ang tahimik lang na nakamasid.

I heard him cursed. "You like that girl?"

I shook my head quickly and looked at him unbelievably. "What? No?!"

Ngumisi ito. "Sige, kunwari hindi mo gusto iyang si Cassie. Unbelievable.." bulong nito.

Hindi ko alam pero kahit hindi ko pa siya nakikilala, crush ko na siya. Napailing-iling na lang ako. Am I a kid? Crush? Seriously, Jacob?

Hindi ko alam kung tadhana ba ang nagbigay ng daan sa amin dahil naging classmates ko siya noong Grade 11 kami. Her friend Carla noticed me, but she still didn't notice me.

Carla approached me as I was about to leave our room.

"Hey, you're Jacob right?" medyo mataray na sabi nito. Ang swerte naman ni Cassie, may kaibigan siyang ganito. Alam ko kasi matagal na silang magkaibigan.

"Yes," matipid na sabi ko.

Tinaasan ako nito ng kilay at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Hindi ako gumalaw at hinayaan lang siya.

Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon