Chapter 3

79 3 0
                                    

Teachers Day

Friday ngayon, teacher's day din. Kinuha ko na ang bag ko sa kama ko at sinuot ko na rin ang sapatos ko. Lumabas na ako sa kwarto ko at nakita ko si Mama na naghahanda ng breakfast.

"Morning, Ma." pagbati ko. Napaangat ang tingin niya sa akin. "Akala ko hindi ka papasok ngayon?"

"Po? Bakit naman?" umupo na ako para kumain. Umupo rin siya sa harapan ko. I stared at her. You can see the wrinkles on her face because of her age but for me, she is still the most beautiful woman I ever know.

"Hindi ba wala ka namang pakialam sa mga events? Ba't pupunta ka?" tanong niya. My forehead creased and kept quiet.

"Teachers day niyo 'diba? Sinabi sa akin ni Ate mo." napatango na lang ako.

"Opo, si Carla kasi pinipilit ako. Hindi naman ako makiki-celebrate kasama sila." saad ko. She just nodded and stood up. "Hindi ka po sasabay sa akin?" I asked. Umasim naman ang mukha niya.

"Mamaya na ako, ang aga pa kaya. Sasabay na lang ako kina Eclipse at Ate mo. Hindi ka pa makakapasok ng hindi ako kasabay?" I shook my head and bit my lips.

"Hindi naman sa ganun, Ma. Akala ko lang po sasabay kayo—"

"Hindi nga ako sasabay, s'ya kumain ka na. Huwag kang magpapagabi, baka kung saan saan ka pa magpunta, Cassie." sabi niya at pumasok na sa kwarto nila.

Napabuntunghininga ako dahil wala naman talaga akong balak pumunta ngayon kaya lang hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko mas nagiging masaya ako sa school kaysa rito sa bahay.

"Ma! Si Papa pala, nasa'n po?" sigaw ko sapat na para marinig niya sa loob.

"Kadarating niya lang kaninang alas-tres! Quiet, nagpapahinga ang papa mo." saway niya.

Sa totoo lang, miss ko na si Papa. Kahit magkasama kami rito sa bahay, I don't see him often because of work. If only I could help. Gusto kong mag trabaho kaya lang may mga bagay na imposibleng mangyari. Besides, 16 pa lang ako. Bakit limitado lang ang pwede kong gawin?

As soon as I entered the school gate, I heard the noise, the laughter of the students.

Naglakad na ako papasok at katulad ng dati, pinagtitinginan nanaman ako. Am I that weird? Hindi kasi ako palasalitang tao at hindi nila mabasa ang galaw ko. I also don't know, I guess that also the reason why no one dares to approach me.

"Hoy, kanina ka pa tulala! Sabi mo hindi ka papasok! Kanina ka pa ba?" I suddenly heard Carla's voice.

I looked at her. She's wearing a red off-shoulder and fitted jeans while I am wearing a white fitted tee shirt and pants. Tuwing mayroong events ay allowed kaming magsuot ng kahit ano. May mga color coding din depende kung anong gusto mo, pero wala akong pakialam.

"Huh? Ah oo. What's up?" Tanong ko at niyakap siya.

I heard her chuckled. "Ikaw ha? Nasanay ka nang mangyakap." she said teasingly. I rolled my eyes. "Ayaw mo ba?" Kunwaring tampong sabi ko. She sat down next to me and took her towel and powder from the bag.

"Ayaw?" Ulit ko at tinaliman siya ng mata. "Joke lang!" Sagot nito at tumawa ng malakas. Wala sa sariling napangiti ako habang tinitingnan ko ang mukha niyang nakangiti.

"Ang ganda mo pala 'no?" Sabi ko at bigla na lang siyang huminto sa pagtawa.

"Alam mo Cassie, hindi ko alam kung matutuwa ako or ma o-offend," sarkastiko nitong sabi.

Napailing-iling na lang ako habang nangingiti.

"Huwag mong kalimutang i-cheer si Lawrence, okay? Gosh, I'm so excited to see him." she giggled.

Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon