Jealous
Pagbalik namin sa hotel ay kumain muna kami sa restaurant ng dinner. Ang bilis ng oras, gabi na agad. Bukas ng gabi ay aalis ka rin kami.
I went straight to the bathroom and soaked in the bathtub full of bubbles. Natulala ako. Life is indeed complicated. Masaya ka ngayon, mamaya ay hindi na. Makakalimutan mo pansamantala ang problema, mamaya babalik na ulit.
Bakit naman hindi pwedeng maging masaya na lang? Bakit kailangan pang madaming pagdaan bago maging masaya? Paano naman ako? Magiging masaya pa ba ako na walang inaalalang iba? Ang pamilya ko, kailan ulit kami magiging buo?
Napakarami kong katanungan na mga magulang ko lang ang makakasagot. Ayaw kong magtanim ng sama ng loob sa kanila kasi alam kong mahal nila kami. No parent does not love their child because they are different in how they raise and feel love.
I remember Dad's parents, my grandmother. We didn't know them, but they were famous, but I couldn't find anything about them when I searched. I'd like to see them, and I'm curious why my father are not close to them.
Lumabas ako ng bathroom nang kinatok ako ni Jacob. Ang tagal ko na pala sa loob, hindi ko man lang namalayan ang oras.
Bumaba ang tingin niya sa katawan ko at namilog ang mata ko. Tsaka ko lang naalala na nakatapis lang ako ng tuwalya dahil nakalimutan kong kumuha ng damit.
He smirked. "Pervert!" sigaw ko dito sabay takbo sa closet. Narinig ko pa itong humalagpak ng tawa bago pumasok sa bathroom.
"Baliw," bulong ko.
Nagsuot ako ng night gown at nag blower ng buhok. Nakakangalay naman ito. Nabigla ako nang kunin ni Jacob sa akin ang blower at siya na mismo ang nag blower sa buhok ko.
"Kaya ko na,"
"Stay still, let me help you." sabi nito. Ngumuso ako at hinayaan na lang siya.
Sabay kaming bumalik sa kama at nahiga. Naglagay ulit ako ng unan sa pagitan namin at medyo lumayo ako sa kaniya. Nakita ko ang pag ngisi nito.
"Wala rin iyang ginagawa mo. Takot ka ba na gumising na nakayakap ka na pala sa'kin, babe?" he teased.
Namilog ang mata ko at hinampas ko siya ng unan na hawak ko. Humalakhak naman ito.
"Nakakainis ka!" sigaw ko dito pero tumawa lang ito. Maya-maya ay niyakap niya ako patalikod. He kissed my hair.
"I love you babe," I smiled.
"I love you." sagot ko.
"Thank you for finally answering my I love you's"
"You don't have to thank me, I'm sorry, it took me so long to finally say it." sagot ko. Inilagay niya ang baba niya sa balikat ko.
"No, I understand. I want more travel with you," he whispered.
"Me too,"
"I have a lot of plans for us, and I want us to succeed together."
"That would be amazing, I want that too. Hintayin natin iyan." nakangiting sagot ko.
We sat down, he leaned against the bed's headdress, and he rested my head on his shoulder.
"I always want you beside me, palagi kong hinihiling noon na sana ako naman ang mapansin mo." he told and chuckled.
"Hmm, really?"
He nodded.
"Me too, I'm at ease when I'm with you." I whispered. Hinigpitan niya lalo ang yakap sa akin.
BINABASA MO ANG
Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)
Подростковая литератураRule #1: never beg for love- Cassie Jane Cruzado is a simple smart woman. She only does one thing: chasing the wrong person. Her friend always tells her that someone is interested in her, but that is not her main focus. She was only interested in Is...