Chapter 15

66 2 0
                                    

Dislike

I let out a long sigh after I took all the exams. Hinilot ko ang sintido ko at sumandal sa upuan. Finally! Graduation na lang ang kulang! Mga ingay ng mga kaklase ko ang pumuno sa buong room, si Carla naman ay naka ubob na sa mesa.

"Carla, okay ka lang?" tanong ko dito.

We'd just finished our test, and almost everyone in the room sighed in relief. It's a good thing I memorized our lessons because there are so many exam items and almost identification. Sasabog na ang utak ko sa daming information na nakalap.

"Hmmm, okay lang. Thank god, tapos na! At dahil diyan, mag bar tayo!" biglang sabi nito habang nakangisi. Ngumuso ako at sumimangot.

"Hindi ako pwede-"

"Come on, Cass. Kung saan saan nga kayo napupunta ni Jacob, diyan lang tayo sa may labasan." tukoy nito sa bar na malapit sa school namin. Actually, lagi namang nag ba-bar ang mga classmates namin kasama na si Carla after ng exam, midterms or kahit ano basta makaraos sila.

"Carla, later sa bar ha?" biglang sabi ng kaklase namin.

"Oo naman! G ako!"

"Ikaw, Cassie? Sama ka na sa amin! Hindi ka pa nakakasama sa amin simula first year, it's your time to shine girl!"

"Correct! Hintayin ka namin duon, Cassie ha? Bawal ang hindi umatend, attendance is a must!" sabi pa ng secretary namin. Wala naman akong nagawa kundi ang tumango.

Iba na ang classmates ko noong college kaya medyo naging okay naman ako sa pakikipaglaban socialized. Hindi ko nga rin napansin kung hindi pa sinabi sa akin nila Carla.

"Yas, naman! I'll fetch you na lang!" si Carla. I nodded.

"For sure madaming taga SPIS duon! Sina Jacob pupunta rin duon, panigurado." tumango tango lang ako.

Katulad nga ng sinabi nila, sinundo ako ni Carla sa bahay pagpatak ng alas otso ng gabi, hindi ko alam kung mapalad ako dahil wala si Mama sa bahay. Si Papa naman, as usual hindi na namin nakikita mag iilang buwan na kaya natuloy ako sa pagsama sa kanila ng bar.

"Carla, hindi ako iinom duon ha? I don't drink and I hate the smells of liquor so please don't force me, okay?" pagpapaalala ko sa kaniya ng nasa sasakyan na kami. I'm wearing a off-shoulder red blouse and jeans while Carla's wearing a tube blouse and skirt. Kitang-kita ang balat niya!

She chuckled. "Oo na, Cass. Parang wala kang tiwala sa'kin."

"Wala talaga!"

"Tss, anyway okay lang naman basta makihalubilo ka sa mga classmates natin."

"I'm not sure, magpapakita lang ako sa kanila."

Nailing ito. "Kaya ako lang kaibigan mo eh! Loosen up, Cass!" natatawang turan nito. I would have made a lot of friends if making friends was easy. Dahil nga introvert akong tao, nahihirapan akong makisalamuha sa iba.

Paglabas namin ng sasakyan ay dumiretso na kami sa bar. We could hear music coming from inside even though we were just a few feet away. We could smell a variety of liquor and cigarette smoke as we walked in. I took a seat and put my hand over my nose.

"Oh my gosh, Carla!" bati ng isang ka block namin. Nagbeso ito at napatingin sa gawi ko at lumaki ang mata.

"What the-Cassie?"

Nahiya akong tumango at bumati sa kaniya.

"Oh my gosh! Finally, nakasama ka na namin! Let's go!" hinila nito ang aking kamay at iginiya sa loob.

Bawa't madadaanan namin ay napapaiwas na lang ako ng tingin. Hindi lang naman kasi mga estudyante ang nandito may mga businessman at may mga artista pa akong nakita sa gilid na naglalampungan. Hindi na ako nagtaka kasi mayayaman naman ang mga kaklase ko, ako lang ang hindi.

Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon