Chapter 10

66 3 2
                                    

Fallacy

"As I was saying, this is the blueprint of the building. Hindi ko nga alam kung bakit ako pa ang pinakuha ni Mom, I mean ang dami namang ibang employees, right?"

"Right, Cass?" pag ulit nito. Wala sa sariling humarap ako sa kaniya.

"Yeah, oo bakit?" sagot ko naman dito. Malakas na bumuntong hininga ito.

"Kanina ka pa wala sa sarili, may problema ba?" Umiling lang ako dito at pilit na ngumiti.

"Pagod lang." Hindi naman niya na ako kinulit pa. Pagdating ko sa bahay parang pagod na pagod ako. Paulit-ulit nagre-replay sa utak ko ang mga nangyari. What now? Tumingin ako sa bintana nang makita kong palubog na ang araw. Bumuntong hininga ako at binuksan ang aking laptop.

T I R E D

Tinitigan ko ang limang letra na nakasulat sa blank page at nagsimulang magsulat.

'Napaka simpleng salita pero maaring iba ang ibig-sabihin. Where are you tired of?

And why are you tired? ....'

Hindi ko namalayan na naka isang page na ako, habag sinasabi ang niloloob ko. I want to stumble upon the pains I feel but I don't know how. Through writing, nailalabas ko ang emosyon na gusto kong ilabas.

I'm still hesitant whether to post it or not? Am I brave enough to do this? But if I'm not doing anything, what will happen to me? Huminga ako nang malalim at pinost na sa isang website. I hope my word can reach their hearts. I hope they can be inspired by whatever they are feeling or experiencing now, I want them to have hope, strength, and someone to lean on even through writing.

Habang nakatulala ako sa harap ng laptop, may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Dali-dali ko namang sinara ang laptop at pinagbuksan ito. Bakit ako nagulat ng makita ko si Ate Flair na nasa harapan ng pinto.

"Bakit?" tanong ko. Bumaba ang tingin ka sa bulaklak na dala niya.

"May nagpapabigay daw, walang pangalan. Para sa'yo daw." Binigay niyo naman ito sa akin at walang sabing tinalikuran ako.

I sighed.

Sino naman ang magbibigay nito? Nakakunot pa ang noo ko habang nilalapag ko ang bulaklak, hindi pa masyadong pamilyar sakin ng bulaklak pero nakita ko na ito.

Nag research tungkol dito at nang makita kong may kaparehas itong larawan ay dali dali kong binasa ang tungkol dito. Napahinto ako, why am I even doing this? I don't even know who sent this. Umiling ako pero akmang tatanggalin ko na ang ni research ko ay may nakakuha sa akin ng atensiyon.

'The Yarrow flowers represent bravery and also provide courage' and after I read it, napangiti ako.

Wala naman akong nakitang kahit anong card na nakalagay sa bulaklak kaya kumuha na lang ako ng maliit na vase at inilagay ito duon. Hindi naman kalakihan ito at nakita ko kanina na masyadong rare ang isang ito. Weirdly, someone gave me such a kind of flower. I mean, there's plenty of flowers out there like roses, sunflower, tulips, something familiar but he actually gave me this. Kung ang nagbigay man nito sa akin ay 'he'.

--

"Sasama ka ba? Well, you were invited but I'm just asking because for sure, nandu'n si Pamela. I still don't like that woman." Carla told and rolled her eyes. Nandito kami sa company nila, nasa cafeteria kami at lunch time na. I just ordered a banana cake and pineapple juice, siya naman ay pizza and soda.

Sa susunod na linggo kasi ay birthday ni Isaac, at kinabukasan noon ay third-year college na kami. Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang. Ibig-sabihin, pasukan nanaman at mukhang magiging busy ako.

Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon