Birthday
"What? Let's go?" sabi ni Jacob nang nakatitig pa rin ako sa kaniya.
"Okay ka lang?" tumango ito, hindi tumitingin sa akin.
"Okay lang naman kung hindi ka pumunta." mahinahong sabi ko. Tumaas ang kilay nito at ngumisi.
"And why is that?"
"Hindi mo masyadong gusto si Isaac, di'ba?" humalakhak ito.
"Hindi talaga." napailing na lang kami pareho ni Carla.
"Let's go na! What are you looking at?"
Mataray na tanong ni Carla kay Jacob nang hindi pa rin umaalis sa pwesto. Nandito kami sa labas ng bahay nila. Nakapagpalit na din ako ng damit kaya didiretso na kami duon.
"She's going with me. Kung gusto mo ay sumama ka na rin sa 'min. Iwan mo na lang dito ang sasakyan mo." sabi dito ni Jacob. Umiling naman si Carla at tumingin sa akin.
"No thanks, magkaroon naman kayo ng alone time. Bye, Cass." Mapang-asar na anito at hinalikan ang pisngi ko at hinarap ulit si Jacob.
"Ingatan mo ang kaibigan ko at dalhin mo siya roon ng buo, walang galos naintindihan mo?" natawa si Jacob pero nang makitang seryoso si Carla ay tumango ito ng seryoso.
"Of course, I will. Let's go, Cass." sabi nito sa akin. Tumango ako at humarap ulit kay Carla.
"Bye, Carla. Kita na lang tayo." tumango siya kaya pumasok na ako.
"Mag-ingat ka rin." rinig ko pang sabi ni Jacob kay Carla bago siya pumasok sa drive seat.
"Salamat." hindi ko alam kung bakit nasabi ko iyon, pero gusto ko lang magpasalamat kasi lagi siyang nandiyan sa amin ni Carla.
"For what?" nalilito nitong tanong.
Umiling-iling ako.
"For everything, Jacob. Thank you for everything." tumawa ito.
"Of course, anything for you, Cass." I just smiled.
"Pasensya na ha? kailangan mo pang pumunta roon nang dahil sa amin." paggpapaumanhin ko.
"You don't have to say sorry because I am doing this because I want to hindi dahil responsibilidad ko kayong dalawa." Napangiti ako sa sinabi niya at hindi na lang nagsalita.
Nang makarating kami duon ay naghihintay sa labas si Carla. I'm wearing a peach dress which Carla lends to me. Carla's wearing a tube purple gown and stiletto. Nakahalukipkip siya habang papalapit kami sa kaniya.
"Bakit?" tanong ko. Nginuso nito si Jacob na nasa tabi ko.
"Para kayong couple, parehas pa kayo ng kulay ng damit." napailing na lang ako. Itong mga nakaraang araw ay lagi niya na lang akong shi-ni-ship kay Jacob. Hindi ko talaga siya maintindihan. Napatingin ako kay Jacob na nakangisi lang. Carla's right, he's wearing a peach long sleeve folded into the elbow. Ngayon ko lang napansin kung hindi sinabi nk Carla!
"Coincidence, lang." sabi ko.
Sabay kaming pumasok sa loob binigay pa namin ng invitation namin para sa pass.
"Oh my gosh! Nathalie! How are you?" biglang sabi ni Carla sa isang babaeng namataan niya. She's wearing a red backless gown and stiletto. I remember now, she's a famous celebrity.
"Carla! Super fine." nakipag-beso ito kay Carla at napatingin sa amin.
"Anyway, these are my friends. Cassie and Jacob!" sabi nito kay Nathalie. She smiled at us politely.
BINABASA MO ANG
Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)
Teen FictionRule #1: never beg for love- Cassie Jane Cruzado is a simple smart woman. She only does one thing: chasing the wrong person. Her friend always tells her that someone is interested in her, but that is not her main focus. She was only interested in Is...