College
Mabilis dumaan ang mga araw at hindi ko namalayan na second-year college na ako at pahirap nang pahirap din ang subject namin. During my first year of college, I was very shocked so I adjusted a bit first. Tuwing may program lagi kong nakikita si Isaac na kasama pa rin si Pamela. Si Isaac ay nasa Business Ad, si Pamela naman ay katulad namin, engineering.
I believe she’s Isaac’s longest girlfriend. Every time he sees me he just smiles and nods at kapag naman nakatingin sa akin si Pamela ay tiningnan niya ako ng masama.
Maybe she thought I was going to snatch Isaac away from her. Hindi naman ako ganung klaseng babae. Ang magagawa ko na lang ay tingnan siya sa malayo.
"Cassie." malamig na tawag sa akin ni Jacob nang makitang nakatingin nanaman ako kay Isaac. Kumurap kurap ako.
"Ha? Bakit?" takang tanong ko. He sough heavily. Pain evident in his eyes.
"Kanina pa kita kinakausap, hindi ka naman pala nakikinig." sabi nito at mapait na tumingin kay Isaac.
"S-sorry, ano nga ulit iyon?" he just shook his head and stood up.
"Talk to me if you aren't distracted by someone else." malamig na saad nito at iniwan ako sa stadium habang may program.
Pumikit ako ng mariin. He gets mad at me every time he sees me always looking at Isaac at palaging nagiging malamig ang pakitungo niya sa akin.
Ano ba'ng problema niya?! Minsan nakakainis na siya. Akala mo kapatid ko siya sa sobrang higpit.
"Anyare doon?" si Carla nang makita niyang umalis sa tabi ko si Jacob. Umusog siya palapit lalo sa akin. Nang hindi ako nakatiis ay tumayo na rin ako.
"Huy! Saan ka pupunta?" tanong nito.
"Susundan ko siya, nagalit yata." Inis kong sabi. Napailing siya sa akin.
"Ikaw naman kasi. Sundan mo na," kahit hindi niya ako sabihan ay susundan ko pa rin talaga si Jacob.
Lakad takbo ang ginawa ko pero hindi ko pa din siya nakikita. I held my chest as I felt I was running out of breath, I stopped running for a moment and grope with the inhaler inside the bag.
"Miss alis!" huli na ng makaiwas ako sa parating na mga senior high na nagtatakbuhan at nabangga nila ako. Napaupo ako sa sahig at nagkalat ang nakabukas kong bag.
"Hala! Lagot kayo! Tulungan niyo si ate." saway ng isang babae.
Tumulong naman sila sa pag-aayos ng gamit ko pero hindi ko makita ang pinakaimportanteng bagay na nasa loob noon.
Hingal na naupo ako at pilit na hinahawakan ang dibdib dahil sa hirap akong makahinga. Nanglalabo na rin ang paningin ko at nagbabadya ang luha sa mga mata ko.
"I-inhaler, p-please." hinang-hinang sabi ko sa kanila pero parang walang nakarinig dahil sa hina ng boses ko.
"Hala ate, okay ka lang?! Hoy si ate, tiningnan niyo parang hindi nakakahinga!" tarantang sabi ng isa.
"I-inhaler." mahinang sabi ko. Nang hindi ko na nakayanan ay lumabo lalo ang paningin ko habang kinakapos ng hininga pero bago pa ako mawalan ng malay ay may marahan na sumalo sa akin. Puno ng pag-aalala ang makikita mo sa mukha niya.
"J-acob." I whispered and everything went black.
Simula noon ay nagagalit na siya sa akin kapag nagpapagod ako. I was always reminded to always bring my inhaler and just put it in my pocket, Carla also found out but I told them not to make it a big deal. Nagalit pa siya sa akin bakit hindi ko daw sinabi sa kaniya. Simula noon ay doble ingat ang ginawa ko. I am still working as a part-timer sa company nila Carla. Baon kami sa utang kaya kailangan kong kumayod.
BINABASA MO ANG
Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)
Novela JuvenilRule #1: never beg for love- Cassie Jane Cruzado is a simple smart woman. She only does one thing: chasing the wrong person. Her friend always tells her that someone is interested in her, but that is not her main focus. She was only interested in Is...