Tears
May mga bagay na hindi maiiwasang mangyari katulad ng hindi ko maiwasang masaktan sa nakita ko. He's doing really great, pero napakasakit makita.
Nang makarating ako sa room ko, ay tuloy-tuloy na nagsituluan ang luhang kanina ko pa pinipigilan. Napasandal ako sa pintuan at napaupo sabay hagulgol.
Okay na ako eh. Pero nakita ko ulit siya ang malala ay may kasamang iba. Kailangan ko na ba talaga siyang kalimutan?
Bigo akong pumasok sa bathroom at nag ayos sa sarili. Sinuot ko na lang ulit ang night gown na nilabhan ko kanina bago umalis. Inayos ko rin ang bag ko. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan kung anong oras na.
Five thirty. Nakapag book na rin ako ng flight ko at mamaya iyong seven. Wala naman akong gagawin dito kung hindi ang magmukmok pero kapag madami akong taong nakikita baka sakaling gumaan ang pakiramdam ko.
Pero akmang lalabas na ako ng hotel room nang may tumawag sa telepono ng room. Kunot noo akong lumapit dito habang inaayos ang damit. Sinagot ko naman ito.
"Hello?" sagot ko.
"Good afternoon, Ma'am Cassie. Someone wishes to speak with you, but you have not included any names on the guest list. Should I let him in, Ma'am?"
Lalong kumunot ang noo ko.
"Po— I mean, sino raw siya?" tanong ko.
"Jacob Dy daw po Ma'am."
Kamuntikan kong mabagsak ang telepono nang marinig ko iyon. Nanlaki ang mata ko.
"W-what? Pardon?" utal na tanong ko.
"Jacob Dy daw po Ma'am. Papapasukin ko po ba?"
Ilang segundo muna akong hindi nakasalita at umiling-iling.
"No, I'm not accepting any visitors." pagkatapos ay mabilis ko itong binaba.
Nakahawak ako sa dibdib ko. Anong ginagawa niya at anong kailangan niya sa akin?
Akmang lalabas na ako nang mag ring ulit ang telepono. Mabilis ko itong nilapitan at sinagot.
"Ma'am, papunta na po yung bisita niyo diyan. Kailangan ka raw po talaga niyang makita." aligagang sabi ng receptionists.
"Alam niya ba ang room ko?"
"Opo Ma'am," mariin akong napapikit at mabilis binaba ang telepono. How on earth did he know?!
Mabilis akong lumabas ng kwarto at pumasok sa isang elevator. I pressed RT. Habang nasa loob ako ay tinatawagan ko ang nasa taas.
"Yes, Ma'am?"
"Ready the chopper, I'll be there in a minute." pagkatapos ay binaba ko na ito. I bit my lips.
Nang makatungtong na ako sa rooftop ay rinig ko na ang ingay ng chopper.
"Cassie!" nanlaki ang mata ko nang tumatakbong papalapit sa akin si Jacob. Madilim ang mukha nitong tumatakbo palapit sa akin.
Mabilis akong tumakbo para hindi niya ako maabutan. Anong kailangan niya sa akin? Ipapamukha niya ba na sila pa rin ni Heart?
"Cassie, let's talk!" rinig kong sigaw nito. Hindi ko ito pinansin at mabilis na lumapit sa gawi ng chopper. Agad naman akong nakapasok sa loob kaya hindi niya ako naabutan. Napahawak ako sa dibdib.
"Let's go, hurry!"
"Yes ma'am!"
Napatingin ako sa ibaba at nakita kong hinihingal na nakatayo habang pinapanood niya akong tumaas.
BINABASA MO ANG
Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)
Подростковая литератураRule #1: never beg for love- Cassie Jane Cruzado is a simple smart woman. She only does one thing: chasing the wrong person. Her friend always tells her that someone is interested in her, but that is not her main focus. She was only interested in Is...