Chapter 19

47 2 0
                                    

Graduation

"Congratulations!" pagbati ni Carla. Mga estudyante na nagkakasiyahan at nag pi-picture ang makikita mo sa buong hall. Makikita mo sa kanilang mga mukha ang galak dahil lahat ng pagod, sakrpisyo ay sulit. Our president's parents also cried as they hugged their son. We've completed college. Five years in college is so hard! Ang kailangan na lang naming gawin ay mag take ng Civil Engineering Licensure Board Exam.

I smile sadly.

Hinarap ko ang kaibigan kong maluha-luha ang mata. Katabi niya si Lawrence na nakahawak sa beywang niya at nakangiti. I'm happy for them too. Niyakap ko siya ng mahigpit.

"Thank you, congratulations din!"

I graduated with latin honors. Sa section namin ay ako at si Jacob lang ang nakakuha noon kaya masayang-masaya sila. Gusto nga nila na mag celebrate kami sa club kaya lang ay tinanggihan ko.

"Congratulations, Cassie! You're so brilliant!" sabi ni Tita Belle. Nakangiti ito at masayang-masaya kay Carla na nasa tabi niya. I admired their family. Kahit walang honor ang anak ay proud na proud siya kay Carla. Kung ako man ang magkakanak hindi ko ito ipi-pressure katulad ng nangyari sa akin dahil alam ko kung paano masaktan at hindi makapagsalita sa gusto ko.

"Thank you po," nakangiti kong pasasalamat.

Tapos na ang ceremony at kanina nakita ko ang saya ng mga teachers, students lalo na ang mga magulang na sinasalubong ang anak pagkatapos ihagis ang toga. I smiled as I observe them quietly. Wala sina Mama at Papa. Ako lang mag-isa ang kumuha ng diploma ko, sinamahan lang ako ng adviser namin. Nasasaktan ako pero naiintindihan ko kasi may mga problema kami.

However, Ate Flair greeted me before I went here. That's enough for me.

"Congratulations! Engineer Cruzado!"  bati ni Jacob pagkatapos ko pa lang makuha ng medal ko.

Tumawa ako.

"Baliw, hindi pa tayo engineer. Mag board exam pa tayo," he smirked.

"Don't worry, alam kong makakapasa ka, babe."

Ngumiti ako sa kaniya. Palagi niya na lang ako tinatawag ng ganiyan. I'm proud of him, too. Gwapong gwapo siya sa toga na nakasuot sa amin. Tiningnan ko kung sinong nasa tabi niya. Nandito ang buong pamilya niya, ang Mommy niya na nakahalukipkip lang na nakatingin sa akin, ang Daddy niya na tipid ngumiti at si Stephanie na nakangisi sa akin. Binati ko sila.

"Congratulations Ate Cass!" masayang bati ni Stephanie. I chuckled as she hugged me. Sanay na din ako sa ugali niya at nakasanayan ko na ding tawagin niya akong Ate. Nakakataba ng puso.

"Salamat,"

Binitawan ako nito at ngumisi kay Jacob na nasa likuran ko.

"You can come with us for dinner," sabi nito. I smiled and shook my head. Carla invited me and I already say yes to her.

"Thank you, sa susunod na lang siguro." sabi ko. Alam ko naman na family dinner nila iyon para sa celebration kay Jacob. Karamihan sa may mga Latin honor ay galing sa business course at kaunti lang sa engineering.

Sumimangot ito pero kalaunan ay ngumiti din.

"Okay! Next time, then!" masayang sabi nito. I smiled and hugged her one more time. Humarap naman ako kay Jacob na nagmamasid lang sa aming dalawa. Nginitian ko ito.

"Let's go?"

I nodded.

Hinawakan nya ang kamay ko at iginaya ka ako palabas ng hall kung saan kami na graduation. Nakarating kami sa sasakyan niya sa parking lot ng school. Puro mga puno ang mga nandito at may mga maliliit ding bench sa ilalim ng puno kaya minsan dito ako nag-aaral. Pakiramdam ko nasa park ako.

Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon