Explanation
"Engineer, ito na po ang blueprint na pinapakuha niyo. Andito na rin po ang hard copy ng General Journal." Alyssa, my secretary said as she handed me a paper.
"Thank you,"
Ngumiti naman ito at lumabas na.
Tiningnan ko ang tambak na papel na nasa table ko. Ang dami kong ginagawa. Hindi maubos ubos. Sa dami ba naman ng branch na mayroon dito sa Pilipinas, no wonder gusto ako ni Lola na manatili dito. The responsibility is not a joke.
Nagsimula na akong magtrabaho. Dito sa Manila branch ang office ko. Ito kasi ang main Company dito sa Philippines.
"Engineer, may naghahanap po sa inyo. Papasukin ko ba?" rinig kong sabi ni Alyssa sa intercom.
"Sino daw?"
"Iyong lalaki po kahapon."
Mariin akong napapikit. Sa ilang linggong pananatili ko dito, araw-araw niya akong pinupuntahan at pareho lang naman ang sagot ko lagi sa kaniya. Ilang beses ba siyang pupunta dito at babalik balikan ako?! Seriously, Jacob? Wala akong panahon makipaglaro sa'yo.
"No, I'm busy." sabi ko sabay patay sa intercom.
I sighed. Napahilot ako sa sintido sa inis. Ano pa bang gusto niya?! I'd already said everything I wanted to say to him. No matter what he does, he will not get anything from me.
Napatingin ako sa relo ko nang kumalam ang sikmura ko. 11 PM na?! Ang bilis naman ng oras. I groaned. Ang dami ko pang gagawin.
Akmang tatayo na ako nang napatingin ako sa isang papel na nakalagay sa table ko.
Dy Incorporation?
Kinuha ko ito at binasa. Right! Isa din pala sila sa pinaka successful na Company dito sa Philippines. Pumapangalawa sila sa amin. May mga hotel, resto, at construction firm kami. Samantalang sila ay construction firm lang pero sobrang laki.
"Cass!" napatingin ako kay Carla nang pumasok ito bigla sa kwarto ko. Kakagising ko lang at hindi pa nga ako nakakapag ayos.
I frowned.
"Cass, may sasabihin ako!" nakangising anito.
I just nodded and sign her to wait.
Madali akong pumasok sa bathroom at nag-ayos ng sarili. Ilang minuto akong nanduon bago natapos.
Paglabas ko ay nakita kong nangangalikot si Carla ng mga gamit ko sa side table. Napailing na lang ako.
"Seriously Carla?"
Napatingin siya sa akin at sa suot ko. I'm just wearing an one-shoulder blouse and shorts.
"Infairness, you're improving when it comes to fashion!" nakangising anito.
I just smirked. Lumapit ako sa kaniya at umupo sa tabi niya. May kinuha naman ito sa bag niya at inabot sa akin.
My forehead creased. "What's this?"
She rolled her eyes. "Buksan mo, duh!"
I chuckled.
Umusog siya sa akin habang binuksan ko naman ito. Umuwang ang labi ko nang makita kung ano ito.
"Invitation? Oh my god, ngayon nga pala ang anniversary niyo!"
She grimaced at me. "Nakalimutan mo?"
Natatawang nag peace sign ako dito.
"Joke lang! Alam ko naman na anniversary niyo! Kahit hindi ako nakadalo ng kasal niyo hindi ko makakalimutan iyon."
![](https://img.wattpad.com/cover/251244167-288-k751888.jpg)
BINABASA MO ANG
Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)
Teen FictionRule #1: never beg for love- Cassie Jane Cruzado is a simple smart woman. She only does one thing: chasing the wrong person. Her friend always tells her that someone is interested in her, but that is not her main focus. She was only interested in Is...