Pain
"Cass, galit ka ba?" napahinto ako sa pagsusulat nang nagsalita si Carla sa tabi ko. Bumaling ako dito at ngumiti.
"What? Hindi, bakit?" tanggi ko. Hindi naman talaga ako galit.
"Come on, Cass. Iniiwasan mo ako—kami." madiin na sabi nito. Kumurap kurap ako at natahimik
"See? May nagawa ba akong masama? Kung mayroon man, sorry." I kept quiet. Hindi ako galit, sa totoo lang nagsisisi nga ako kasi hanggang ngayon ay hindi ko sila kinakausap.
"Carla?" seryosong tawag ko dito. Hinintay niya ang sasabihin ko.
"Can you answer me, honestly?" she nodded slowly.
"Nakakakaba ka ah! Bakit?" she answered nervously.
"Why were you absent yesterday?" She hesitated for a moment before averting her attention. I let out a sigh. Alam kong may tinatago siya dahil kilalang-kilala ko na siya.
"Do we have a problem, Carla? Did I do something wrong?" nagtatakang tanong ko. Masakit kasi parang ang dami na niyang tinatago sa akin.
"W-wala naman." mahina niyang sagot. I faced her.
"Kung may sekreto ka man, okay lang. Naiintindihan ko kasi may kani-kaniyang buhay tayo. Pero nag-alala ako sa'yo kahapon, bakit hindi ka man lang sumagot sa text ko? O kaya naman, nag text ka beforehand." nagtatampong sabi ko pero bakas ang alala sa boses ko.
She sighed heavily and smiled at me. "Thank you, Cassie. You are not physically and mentally ready for now. I will tell you soon, okay?" I smiled and hugged her.
"May maitutulong ba ako?" mahina kong tanong habang yakap pa din siya. Mabuti na lang ay hindi pa dumadating ang professor namin.
"J-just stay healthy. Don't forget that your family loves you, okay?" I bit my lips and nodded even though I can't agreed to that.
Ang dami kong gustong isumbat kay Mama lalo na kay Papa pero hindi ko kaya. Mahal na mahal ko sila at pilit kong iniintindi ang sitwasyon namin kahit minsan hindi ko nararamdaman na naiintindihan nila ako.
Pakiramdam ko ako lang ang nakakaintindi sa sarili ko. Ang hirap kong intindihin at may mga ugali akong hindi kayang i handle ng mga nakapaligid sa akin at masakit iyon. Pakiramdam ko kahit na may kaibigan ako ay mag-isa pa din ako.
"I love you, Carla." I whispered.
"I love you, Cassie." I smiled.
Katatapos lang ng last class namin at naglalakad na kaming hallway. Huminto ako at humarap kay Carla. Kanina ko pa siya napapansin na nagmamadali.
"May gagawin ka pa ba, Carla?" she smiled and shook her head.
"Wala naman, bakit?"
"Kanina ka pa nagmamadali. Sige mauna ka na, pupunta pa kasi ako ng library." tinitigan niya ako.
"Library? Mag-aaral ka?" she asked and I nodded.
"S-sige, mauna na ako. Inaantok na rin kasi ako." pagdadahilan niya. I hugged her and kissed her cheeks.
"Okay, ingat ka. Text mo 'ko kapag nakauwi ka na." bilin ko sa kaniya na nagpatawa dito.
"Alright, bye Cass. Love you!" ngumiti ako dito at hinintay siyang makalabas ng campus.
Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad papunta sa library. Nasa fourth floor ang library at mamayang alas siyete pa ang sara nito. Four o'clock pa lang at kailangan kong mag review.
Malapit na ang final exam at hindi ko kayang bumagsak. Bumaba nga ang grades ko last semester kaya kailangan kong bumawi.
Pag-akyat ko ay dumiretso ako sa librarian na nakangiti sa akin. Kilala niya na kasi ako at parang hindi niya in-e-expect na makita ako dito. It's been a long time ng makapunta ako dito.
BINABASA MO ANG
Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)
Teen FictionRule #1: never beg for love- Cassie Jane Cruzado is a simple smart woman. She only does one thing: chasing the wrong person. Her friend always tells her that someone is interested in her, but that is not her main focus. She was only interested in Is...