Confession
"Congratulations, Cass!" bati niya sa akin at binigay ang bouquet ng flowers pagbaba ko pa lang ng stage. We had a ceremony for recognition and I am one of them. I got 97 for my general average. STEM. This year ay grade 12 na ako.
"Thank you, si Carla?" Jacob pointed Carla. Naka tayo siya kasama ng section namin at nag-uusap sila. I chuckled. My eyes widened as I saw Isaac walking toward me.
"Hey, congratulations." I smiled shyly.
"Congratulations, din!" masayang bati ko rito. Naglakad kami papunta kay Carla.
"Cass! I'm so proud of you best friend! Ang galing mo!" niyakap niya ako nang mahigpit. Madami pa ang bumati sa akin kasama ang mga classmates namin.
"Ang galing mo, Casssie." sabi ng Presidente namin. I smiled at him.
"Oo nga, how to be you po! May natalo ka pa sa ABM!" sabi naman ng isa.
"Lamang lang sa'yo ng isa si Isaac!"
"Oo nga, Isaac congratulations! Bagay kayo parehong matalino!" uminit naman ang pisngi ko sa sinabi nila. I heard him chuckled, alam ko nang sinasakyan niya lang ang mga classmates ko. Napabaling sila sa likod namin ni Isaac.
"Oh, Jacob. Congrats." tipid na ngiti lang ang sinukli nito kay Isaac. Sumulyap lang siya saglit sa akin at walang paalam na umalis.
"Ang weird niya talaga 'no? Ang tahimik pero playboy." humagikhik pa ang isa.
"In fairness, ang gwapo rin ni Jacob! Kung hindi lang siya medyo weird, okay na siya sa akin." my forehead creased.
"He's not weird," hindi ko mapigilang sabat. Tumawa naman sila sa sinabi ko na para bang hindi kapanipaniwala.
"Cassie, seriously? Siyempre lagi mo siyang kasama, ang hilig niyang mag observe." madramang nangilabot naman si Olivia.
"He's weird and creepy." sumang-ayon naman sila at nagtawanan. Hindi ko alam pero nainis ako sa sinabi nila. He's not weird! He's a good friend!
"Hindi nga," mahinahon pero bakas ang inis sa boses ko. Natawa ang ilan kong kaklase.
"Baka naman kayo na ni Jacob kaya pinagtatanggol mo?"
Lalong nakunot ang noo ko. "What? Of course not." sabi ko.
Nailing ang iba sa akin at hindi naniniwalang nakatingin. "Cass, it's fine. Don't deny it. Not gonna lie, Jacob is really attractive."
"True," singit pa ng isa.
"Babe." nabigla ako nang lumapit si Pamela kay Isaac at hinalikan ito sa labi sa harap namin. Iniwas ko ang tingin sa kanila at nakita ko namang nakatingin sa akin si Carla.
"Bye, guys! See you around, baby time." Pamela said and glanced at me. She smirked. Iniwas ko ang tingin sa kaniya kasi pakiramdam ko ay sinasadya niya talaga.
"Nakakainis talaga yang si Pamela!" sabi ng Presidente namin ng makalayo na sila.
"Oo nga feeling mo talaga eh, porket boyfriend niya si Isaac. Duh! Walang wala si Pamela kay Cassie kung patalinuhan!"
"True! Cassie is far better than her. Pang ilang boyfriend niya na ba iyang si Isaac?"
"Malay mo naman laruan lang iyan ni Isaac, iba ang kasama niya kahapon di'ba?" hindi ko na pinakinggan ang mga usap usapan nila at lumapit na kay Carla. Dumiretso kami sa cafeteria at bumili ng makakain.
"Si Jacob?" tanong ko sa kaniya. Tahimik lang kasi siyang sumusunod sa akin. Weird.
"May problema ba, Carla?" I asked her and she just stared at me.
BINABASA MO ANG
Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)
Teen FictionRule #1: never beg for love- Cassie Jane Cruzado is a simple smart woman. She only does one thing: chasing the wrong person. Her friend always tells her that someone is interested in her, but that is not her main focus. She was only interested in Is...