Vacation
"Good morning, babe!" masayang bati ni Jacob paglabas ko sa bahay. I chuckled.
"Good morning,"
I'm wearing a white flared sleeves, skinny fit jeans, ballerina flats and black cross bag. May dala rin akong backpack na kasya ang mga damit ko for two days. Jacob's wearing a white shirt sleeve, black fitted jeans and whole cut brown leather shoes.
"My babe is stunning!" sabi nito at hinagkan ako sa noo. Napailing na lang ako sa ka sweet-an niya. Kinuha niya ang backpack sa akin at nilagay sa backseat. Pinagbuksan niya rin ako ng pinto. Pumasok ako at patakbo din siyang pumasok sa driver's seat at nagsimula ng mag drive. Halos isang linggo pa lang na kami, pero parang ang tagal na. Kahit noong hindi pa kami ay sweet pa rin naman talaga si Jacob.
Dumagdag lang ang pasimple niyang yakap at halik.
"Have you had your breakfast yet?" tanong nito. Umiling naman ako. Wala na kasi akong time dahil tinanghali nanaman ako ng gising.
"Hindi pa, tinanghali ako ng gising," I told, pouting. Humalakhak naman ito.
"I know, kaya nga nagdala ako ng breakfast natin para hindi na tayo mag drive thru. Nasa backpack ko babe, pakikuha na lang." sabi nito. Ngumiti ako.
"Talaga?"
Tumango ito kaya mabilis kong kinuha ang backpack niya at hinalungkat. Nakita ko naman ang iba't-ibang klase ng snacks at kinuha ko dito ang tupperware na may lamang sandwich.
"Hala, thank you! Kumain ka na ba?" tanong ko pagkakuha ko ng sandwich. Umayos ako ng upo at nagsimulang kumain.
He chuckled. "Yes, alam kong tatanghaliin ka ng gising kaya nagdala na ako, palagi ka pa namang nale-late." natatawa nitong sabi. I pouted. Ang dami niyang alam sa akin, ang daya.
"Thanks, ready na ready ka ha!" masayang sabi ko na ikinangiti niya.
"Of course, ako lang 'to boyfriend mo," mayabang na sabi nito. Napahalakhak ako.
Habang nasa sasakyan kami papuntang airport ay nagkwentuhan lang kami. Sinabi niya rin sa akin ang mga itinerary namin sa Coron, Palawan. Dadating kami duon around nine in the morning, magpapahinga lang saglit tapos mag to-tour na kami.
Nang makarating kami sa airport ay siya na ang nagdala ng backpack ko kahit kaya ko naman. Kaunting damit lang naman ang nasa loob niyan.
"Nakapag book na ako ng hotel, magpapahinga muna tayo pagdating." he informed me.
I nodded.
Nang makasakay na kami ng eroplano, bago umalis ay tinext ko muna si Carla na nandito na kami sa airport dahil ngayong din ang alis nila pero mamayang hapon pa. Sabi niya kasi kailangan updated kami pareho. Napapailing na lang ako sa kaniya.
From: Carla
Okay, basta kita na lang tayo ulit pag-uwi niyo! Gosh, I can't believe na magkasama kayo! Kinikilig ako! And oh, huwag mo na akong i-text after this dahil kailangan mong mag enjoy! Enjoy Cass, umuwi ka ding walang laman na baby ang tiyan, okay?! Just kidding, okay lang kung mayroon pero huwag muna, 'di pa ako ready maging ninang. Char! Sige ne, bye! I love you!Napailing at natawa ako sa text niya. Pinatay ko na ang cellphone nang mag announce na aalis na kami. Sumandal ako at tumingin sa bintana habang hawak naman ni Jacob ang kamay ko. Bumaba ang tingin ko sa kamay namin at napangiti. Kinuha ko ang cellphone ko at tinapat sa magkahawak naming kamay. Itinaas ko pa ito malapit sa bintana na kita ang ulap at pinicturan. I heard him chuckled. Sumandal siya sa balikat ko at pumikit ang mata.
"Are you tired? Sleepy?" tanong ko. Tumango ito.
"Yeah, ang aga kong nagising masyado kasi akong excited," natatawa nitong sabi. Napangiti ako.
BINABASA MO ANG
Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)
Подростковая литератураRule #1: never beg for love- Cassie Jane Cruzado is a simple smart woman. She only does one thing: chasing the wrong person. Her friend always tells her that someone is interested in her, but that is not her main focus. She was only interested in Is...