Visit
"Carla!" masayang bati ko dito pagdating ko sa bahay nila. Niyakap niya naman ako. Ngayon na ang birthday party ni Isaac at bukas na ang pasukan namin.
Nandito ako sa bahay nila kasi pahiramin niya raw ako ng damit para sa party mamaya. I don't wear clothes to such gatherings because I haven't partied yet.
Sa isang pribadong resort gaganapin ang birthday party niya at ito ang unang beses ko sa mga nitong okasyon.
"Si Tita?" tanong ko dito. Nginuso niya naman ang pool area nila. We walked there together and I found Tita Belle talking to Nicholas and Isaac. I stopped walking and turned to Carla.
"B-bakit nandito sila?" nag-aalangan na tanong ko.
"Di'ba sabi ko may kukunin sila dito sa bahay? They haven't left yet." sagot nito.
I stared at Carla for the moment. Kahapon lang ay hindi siya okay, sana gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano. Nag-aalala din kasi ako, sanay akong palagi siyang hyper. Tinaasan naman ako nito ng kilay.
"What? I'm fine, now. Dont worry best friend" anito at ngumisi. Napailing na lang ako.
I am worried. Coping mechanism niya ang ginagawa niya ngayon.
"Anak! Come here— Oh, nandito pala si Cassie." lumapit kami dito at ngumiti. Hinagkan ako ni Tita Belle sa pisngi bago pinaupo.
"Hello po, Tita. Magandang tanghali." bati ko dito. She smiled widely at me.
"Kumusta, Cassie? Last day niyo kahapon sa office?" I nodded. She is really beautiful, she is wearing a simple dress but her beauty stands out.
"Okay naman po. Pasensiya na po biglaan lang ang punta ko dito." sagot ko dito. Tumango ito.
"Don't bother, it's perfectly fine with me, Cassie. Parang anak na rin naman kita," sagot nito at bumaling kay Carla.
Napangiti naman ako.
"Pupunta ba kayo mamaya?" tanong nito kay Carla. Ang ibig-sabihin niya ay sa party mamayang gabi.
"Yes, Mom." sagot nito. Bumaling ito kay Isaac. "Happy birthday, Isaac! Mabuhay ka sana nang matagal!" pilyang sabi nito. Humalakhak si Nicholas at si Tita Belle. Napatingin sila sa akin kaya ngumiti din ako.
"Happy birthday." I casually greeted him. Ngumiti ito sa akin ng matipid.
"Thank you."
"Bakit napa dalaw ka, Cassie?" si Nicholas. May lumapit sa aming kasambahay at nilapagan kami ng lunch.
"Hihiram lang ng damit." matipid kong sagot. Napakunot ang noo niya.
"Para sa party, mamaya?" tumango naman ako at tipid na ngumiti.
"Kain muna tayo, happy birthday Isaac! I have gift, I'll give it to you later." sabi bigla ni Tita habang nagsimulang kumain kaya nawala din ang atensiyon sa akin ni Nicholas. Hindi ko pa din nakalimutan na may gusto siya sa akin, iyon ang sinabi sa akin ni Amber.
"Sure, Tita. Thank you." he formally said.
"You shouldn't have bothered, Tita. There will be a party later, okay na sana 'yon. This is too much already." si Isaac habang nakatingin sa handang pagkain.
"Oh come on, Isaac. Hindi ka naman iba sa amin, this is really for you. Enjoy!" masayang sabi ni Tita.
"Thank you, Tita."
"Come on, Isaac. Huwag masyadong pa humble." Carla teased.
Tiningnan ko ang nasa mesa namin at sobrang dami ng pagkain. Cake, roasted chicken, at iba't-ibang ulam. Handa na daw ito para kay Isaac at matagal na itong balak. Nagkukuwentuhan naman sila ni Nicholas. Minsan sinasama nila ako pero tipid lang na tango at ngiti ang sagot ko. I feel awkward, after what happened that time when we're in the fast food.
BINABASA MO ANG
Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)
Teen FictionRule #1: never beg for love- Cassie Jane Cruzado is a simple smart woman. She only does one thing: chasing the wrong person. Her friend always tells her that someone is interested in her, but that is not her main focus. She was only interested in Is...