Chapter 26

41 2 0
                                    

Cheat

"Hey," humarap naman ako sa tumawag sa akin at nginitian ito pero nanatili itong walang emosyon.

"Salamat sa pagpunta, Ava."

"Don't smile, it's obviously fake." walang prenong sabi nito. Natawa ako.

"Salamat sa pagpunta," tinapik lang naman ako nito sa balikat bago tumalikod sa akin. Napangiti ako. Hindi ko akalaing maaalala niya ako.

Nilagay ko sa bulsa ko ang sobre at dumiretso sa labas. Pero napahinto ako nang may marinig akong boses na nag-uusap sa labas ng gate. Lumapit pa ako dahil hindi ko masyadong marinig. Bakit parang nag-aaway sila? Hindi ako nakikita rito sa loob dahil may halamang naka takip sa akin.

"Pero hindi ba dapat sinasabi na natin sa kaniya, Jacob?! Nakokonsensya ako, dapat sinabi na natin para may time man lang siya na nakasama ang Papa niya!" narinig kong umiiyak na sabi ni Carla.

My eyes widened.

"Carla, hindi naman tayo ang nagdecide nito. Kahit gusto kong sabihin, nangako tayo kay Tito Carper!" mariing sagot nito kay Carla. My lips parted. Anong sinasabi nila.

"Paano na ngayon?! Hindi ko na kayang magsinungaling kay Cassie, hindi ko gusto 'to!"

"Naiintindihan kita, Carla. Pero ginawa natin iyon para maprotektahan siya-"

"Hindi iyon pagpoprotekta, Jacob! Ayaw lang ni Tito Carter na mag-aalala si Cassie sa kaniya kaya tayo ang pinapapunta niya duon!" parang bombang sumabog ang narinig ko. Tuloy-tuloy na tumulo ang luha ko. Lumabas ako sa pinagtataguan at hinarap sila.

Napalingon sila ay kita ko ang gulat sa mata nila at kalaunan ay napalitan ng takot.

"A-alam niyo? Alam niyo ang sitwasyon ni Papa?!" umiiyak na tanong ko.

"Babe, let us explain-"

"Paano niyo nagawa sa'kin ito?! Pinagkatiwalaan ko kayo!" nakita ko ang sunod-sunod na paghikbi ni Carla.

Tumingin ako dito. "C-carla? Bakit? Bakit tinago mo, kaibigan kita!"

Umiling-iling ito at sinubukang lumapit sa akin pero umatras ako.

"C-cass,"

Tuloy-tuloy na umagos ang luha ko.

"Alam kong may tinatago kayo sa akin pareho pero hindi ko akalaing ganito! He's my father, Carla. Jacob! I should have known what was going on with him, but you didn't give me the opportunity!" umiiyak na sabi ko dito. Bakas ang hinanakit sa boses ko. Alam nila ang lahat ng ito all along? Humigpit ang hawak ko sa dibdib.

"Babe! Okay ka lang-" I cut Jacob's off.

"Diyan ka lang!" kita ko ang sakit na dumaan sa mata nito.

"Cass, nangako lang kami kay Tito Carper dahil ayaw niyang mag-alala ka," pagdadahilan pa ni Carla.

"Hindi! Kaibigan mo naman ako, Carla. May karapatan akong malaman-"

Umiiyak na pinutol niya ako. "Hindi ka ready emotionally at mentally!"

"I don't care! Iyan palagi ang sinasabi mo sa akin hanggang mawalan na ako ng opportunity na makasama siya! Sana sinabi niyo na lang, sana nakasama ko pa si Papa! Sana narinig ko pa ang paliwanag niya! Sana—" pinutol ako ni Carla.

"Sana ano? Sana buhay pa siya?! Cassie naman, matagal ng may sakit si Tito! Sa mga oras na wala siya rito nagpapagaling siyang mag-isa! Lumalaban siyang mag-isa at alam mo kung sino ang lakas niya? Kayo!" Umiiyak na sabi nito.

Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon