Chapter 30

56 2 0
                                    

Dreams

"Ate! Ate, wake up!" napabalikwas ako ng bangon nang marinig ko ang boses ni Eclipse. Kita ko ang pag-aalala sa mukha nito.

Natulala ako habang tuloy-tuloy na tumutulo ang luha ko. Panaginip lang iyon?

"Ate, okay ka kang ba? Kanina ka pa sumisigaw." mag-aalala na tanong nito.

"Ate?"

Napatingin ako kay Eclipse. It felt so surreal. Napalunok ako kasabay ng pagtulo ng masaganang luha.

"O-okay lang ako,"

"Ate naman, ano bang nangyari? Nanaginip ka ba?"

Hindi ko ito pinansin at pumasok na sa loob ng bathroom. Pagpasok ko ay nagbagsakan ang luha ko. Niyakap ko ang sarili ko sa takot. Hindi naman too iyon di'ba? Okay lang naman si Jacob? Panaginip lang iyon pero parang totoo. Hindi! Aligaga akong lumabas ng kwarto. Napahinga ako ng maluwag nang makita kong wala na sa kwarto ko si Eclipse.

Naupo ako sa kama at dali-daling nag book ng pinakamabilis na flight pauwi ng Pilipinas. I bit my lips. I quickly grabbed a pair of clothes and stuffed them into my shoulder bag. Since my flight was just thirty minutes away, I didn't bother changing my clothes. It's a good thing we were close to the airport.

Nang bumaba ako, walang tao. Nakahinga ako ng maluwag, kinuha ko ang sasakyan at nagdrive papuntang airport. Nanlaki ang mata ko at mabilis napapreno nang maalala ko ang panaginip ko habang papunta din sa airport. I didn't know how easily tears streamed into my eyes. Nakita kong nag ring ang cellphone ko at nakita ko ang pangalan ni Ate Flair. Hindi ko ito sinagot at pinatay ko ang cellphone ko.

I quickly brushed it away and inhaled deeply. I drove on, clearing my mind of all the negative thoughts that had been going through my head.

It happened quickly when I arrived at the airport, and I was still able to catch my flight.

I took a deep breath. Tumingin ako sa mga ulap sa labas habang nakaupo sa eroplano. Napangiti ako nang mapait. Really, Cassie? What on earth are you doing right now?

Napakatagal ng flights. May jetlag pa ako nang makarating ako ng Manila. Napangiti ako nang mapait. As soon as I stepped foot in the Philippines, all of my memories seemed to be back by the memory of him. I used to feel pure happiness whenever I thought of him, but now I feel a pang in my chest. Ang sakit lang, hindi pa rin pala ako nakaka move on. Ang hirap. I bit my lips.

Naglakad ako palabas ng NAIA at pumunta sa pinakamalapit na restaurant. Gutom na gutom ako dahil isang beses lang ako kumain sa buong flight ko dahil wala din akong gana.

Hindi ko pinansin ang mga matang nakatingin sa akin. Sino ba naman ang hindi mapapatingin sa akin kung naka suot ako ng night gown habang tulalang kumakain. Nakagat ko ang pang-ibabang labi at yumuko.

Pagkatapos kong kumain ay pumara ako ng taxi papunta sa De Cruzado Cost Hotel Manila Branch. Nang makapasok na ako sa kwarto ko ay pabagsak akong nahiga sa kama. Bakit nga ba ako nandito? Napailing-iling na lang ako. Pumunta ako sa bathroom at nagpalit ng bathrobe.

Binuksan ko ulit ang cellphone ko at nakita kong ang daming tawag ni Mama at Ate Flair. Akmang tatawagan ko na sila nang mag ring ito. Napakagat ako ng labi nang sagutin ko ito.

"Ma,"

"Cassie Jane! Where are you?!" nailayo ko sa tainga ko ang cellphone sa lakas ng sigaw ni Mama. I sighed.

"Sorry po, hindi ako nakapagpaalam." ani ko dito.

"Nasa'n ka bang bata ka?! Kahapon ka pa namin hinahanap, anong oras na?" may pag-aalala sa boses nito.

Yarrow Series #1: Chase (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon